Miyerkules, Mayo 30, 2012

#Tama na ba talaga?

SELOS yung unang unang dahilan ng pag be-breakup ng nasa isang relasyon. Lalo na kapag nagkataong pareho silang seloso/a. Kahit yung mga maliliit oh pinaka simpleng bagay, pinag aawayan.

Para sakin, normal lang naman yun. Pagpapakita lang yun na kung gano mo kamahal yung isang tao. Ganon din kasi ako, kahit barkda nya oh alam kong talagang close na nya bago pa man kami magkakilala, pinagseselosan ko pa din. :)


Pero para sakin din, kelangan nyong magka bigayan. May isang iintindi sa kababawan ng isa. Hindi pwedeng yung isa na lang ng isa. Wala lang. Hehe. :) Bigla ko lang tong naisip bagay na to.

Hindi tamang mag paka baba ng mag paka baba sa isang taong hindi ka binibigyan ng halaga. Yun bang kahit pinapakita mo na kung gano mo sya kamahal kahit nagkakamali ka, sige ka pa din ng sige. Yun bang kahit nasasaktan ka na sa mga paratang nyang hindi naman totoo binabalewala mo lang. Yun bang kahit hindi ka nya matanggap ng buo pinipilit mong maging perpekto para lang sa kanya. 


Kung ayaw na, tama na. Kung hindi na kaya, itigil na. Tama na yung pagpapasaring. Yung mga pasimpleng Wrongsend oh GM. Yung mga pasimpleng favor. Grow-up ika nga. Nakipag hiwalay ka na diba? Bat di mo nalang matanggap?


Normal lang na magselos kapag wala na kayo tapos may finifling na agad na panibago yung naka relasyon mo. Pero hindi na normal yung magduda ng wala ka namang basehan. Ang masama pa, yung magsangkot ka ng mga taong wala naman talagang alam at magiging ugat ng mis malalim na pag aaway. 


Minsan kelangan mo ding mag isip ng tama bago ka mag padalos dalos sa emosyon mo. Hindi tamang ikaw lagi yung iniintindi.


Isipin mo, pano kung yung taong patay na patay sayo eh biglang pa gising mo hindi na pala? Pano kung yung taong akala mo habang buhay kang uunawain eh natauhan na pala? Magiging masaya ka ba? 


Ikaw. Sa tingin mo? Tama ba talaga yung ginagawa mo?

Lunes, Mayo 28, 2012

Ang mga bestfriend ng buhay ko. =))))



Wala lang, buhay na namin ang makitulog sa mga bahay bahay namin. HAHAHA. Madalas kina Bix oh Arvin ang dayo ng pag oovernight namin. Napadpad na din kami ng pag oovernight kina benson. :) Tapos ayan, naisipang sa bahay naman. Grabehan. Pa2ng overnight na yan nila sa bahay, nung una sa kubo ko talaga sila pinatulog. HAHAHA. Pero nung pangalawang beses na at ako na ang tinamaan ng antok, niyaya ko na silang sa kwarto ko na matulog. Grabeng dissaster ang nangyari sa kwarto ko. 1st time din na may nakatulog dung lalaki. -.- Wala ding pinalampas sa gamit ko si popoy. Ang kuliiiit! -____-

Wala lang, sobrang masaya lang ako. Dahil busog na busog ako ng pagmamahal ng mga kaibigan ko. :>>

Linggo, Mayo 27, 2012

Sya. :>>>>


-Yung lalaking hindi makakatulog habang galit ka pa
-Yung lalaking kinakantahan ka kahit sintunado sya
-Yung lalaking nag eeffort
-Yung lalaking hindi nahihiyang isayaw ka sa harap ng madaming tao
-Yung lalaking hindi iloveyou ng iloveyou, pero segusegundong pinaparamdam kung gano ka nya kamahal
-Yung lalaking pinapakilala ka sa buong pamilya nya
-Yung lalaking tumatawag agad pag hindi ka nag reply sa mga text nya
-Yung lalaking pag nag hiwalay na kayo mag tetext agad ng miss ka na nya
-Yung lalaking sa noo ka kinikiss. :)
-Yung lalaking nagpapaka baba para magustuhan ng barkada mo
-Yung lalaking tatahimik nalang kasi nagseselos na sya
-Yung lalaking magpapaka clown, bumalik lang yung mga ngiti mo
-Yung lalaking kahit mamura sa kanila, gagawa ng paraan makasama ka lang
-Yung lalaking dmo pa inuutos, ginagawa na nya
-Yung lalaking sinusunod ka
-Yung lalaking tinatawag kang maganda kesa hot
-Yung lalalaking daig mo pa ang baldado kung makapag alala
-Yung lalaking proud pa syang under mo sya
-Yung lalaking hindi nahihiyang hawakan ang mga kamay mo san man kayo magpunta
-Yung lalaking nirerespeto bawat desisyon mo
-Yung lalaking hindi nag te'take advantage
-Yung lalaking may lakas ng loob na humarap sa pamilya mo, tutukan man sya ng baril. :)

Yung SYA na mahal na mahal ako. :>>>>

Baby. -_-


Yung feeling na, asang-asa ka na pupunta ang mga mahahahalagang tao sa buhay mo sa isa sa pinaka-importanteng araw mo. Nakakapagtampo. Gusto kong magalit, mainis, magtaray. :”( Di ko magawa. Wala din naman mangyayare, di pdin naman sila pupunta. Siguro nga, Kung ayaw daming dahilan.Reasons! Reasons! TSSSSSS. -Baby

Pinapatamaan nya ko sa Tumblr. Alam ko. Kasalanan ko naman talaga eh. :||

Nagalit/nagtampo lang naman sakin si AJ. Ngayon palang kasi, alam ko ng d ako makakapunta sa 18th birthday nya. Oo. Alam ko inaasahan nya ko, pero may mga ilang dahilan din naman ako. Una, wala talaga akong pera. Pangalawa, hindi ako payagan at napakalayo daw at ang pinaka dahilan ko ay wala akong isusuot. Hindi kasi ako pa girl eh. Kaya pag ganyang mga may party, hindi talaga ako pumupunta kasi hindi ako nagiging komportable sa suot ko. 

Nung una palang, sinabi ko na hindi talaga ak makakapunta. Nagtampo sya, alam ko. :| Pero sinabi kong babawi nalang ako. SORRY TALAGA, BABY. 

Puro nga po siguro ako dahilan, pero kung alam mo lang. :( 

Martes, Mayo 22, 2012

#PBB

Hindi talaga ako fan ng PBB. Nakakairita kasi yung mga kaartehan nila. HAHA. Pero nung paminsan minsang napapanuod ko yun. May ilang nagustuhan ako dun, tulad nalang nung Kambal. Makikita mo talagang totoo sila. Tapos yung Karen at Myrtle. Magkaiba talaga sila ng personality kaya ang daming issue sa kanila. Si Karen kasi, kung titingnan sobrang prangka nya tas si Myrtle, mas gugustuhin nyang tumahimik nalang kesa lumaki pa yung issue, sa tingin ko ganun lang talaga sya.

Isa sa mga umagaw ng atensyon ko dun eh yung tambalang Myrves. Cute na cute ako sa kanila. :> Tas kagabi, nalaman ko nalang na may GF/Bestfriend pala yung Yves. Waaa. Dun ko nakita na totoo talaga si Myrtle, oo at hindi nya masabi na may gusto sya kay yves pero kitang kita naman siguro sa mga pagtulo ng mga luha nya.

Oo. Umasa sya siguro, pero naman. Lahat naman siguro ng girls na pakitaan ng ganun no. Wag kayong manhid. Sinearch tag ko din sa Tumblr si Myrtle, hati yung opinion ng tao. May nagsasabing malandi daw kasi sya pero para sakin, hindi yun totoo kasi una, nasa loob kasi sila ng iisang bahay. Magdamag mong nakakasama tas pakitaan kapa ng ganon? Hello lang oh. :>

Grabe din yung nangyari sa kanya ( Myrtle ) Ikaw na ang pagpustahan, patakabuhin ng 800meters at magpakatanga sa Bestfriend mo.

Napasulat ako tungkol sa bagay na yan kasi naiinis ako sa mga babaeng nagsasabing malandi daw si Myrtle, yung totoo hindi kayo? HAHAHA. Mga insekyora kasi ang dating na hindi pa yun nangyayari sa kanila. Nyahaha. Kung tutuusin, gusto kong pagsasagutin lahat ng mga yun, kaso magmumuka lang akong ewan. HAHAHA.

Nakakainis din yung nasasaktan na yung tao, nagagawa pa ng iba na pag komparahin ng pag komparahin sila ni karen. Magkaiba sila. Hindi ako Anti Karen, gusto ko sya talaga nung una palang. Yung pagiging prangka at totoo nya. Sabi nga ni Vice iba yung nakikita mo sa TV at yung nakakasalamuha mo talaga.

Still, #PBB! Ang benta nyo sa kabataan. HAHAHA. 

Linggo, Mayo 20, 2012

Bipolar. -____-

Alam mo ba talaga ang gusto ko? Yung magkaBf kana, para kahit papano di ako nasasaktan at tatanggapin ko na sa sarili ko na yung babaeng gusto kong mahalin eh masaya na sa iba. Hahaha. -Bestfriend

Speechless ako. Shit lang! Okay na kami ni Arvin pero sa pag tetext namin, nauwi kami sa topic na yan. Shit talaga! Ang tagal bago ako nakapag reply, ang tagal bago pumasok sa isip ko yug sinabi nya. Tigalgal ako eh. :| Shit! Shit talaga! Bat iba yung nararamdaman ko? :| Tangina lang! 

Mahal ko sya eh, bilang bestfriend ko. kung alam mo lang, tangina! :( Pero yung sinabi nya yung mga salitang yan? Hooo. Alam ko namang mahal nya ko eh. Alam ko yun, nuon palang. Pero yung marealize nya sa sarili nyang titigilan na nya yung pag mamahal sakin bilang minamahal talaga? Tang ina this.  Anong pakiramdam to? :/ 

Ayoko ba syang maging masaya? Nuon sinabi ko sa kanya na maging masaya na lang sya sakin, tapos ngayon ako tong ganito? Ang labo! Ughhhhh. Nakakainis. Hindi ko kayang ipamigay sya. Yun yung totoo. Nagiging selfish ako pagdating sa kanya, kinukuha ko lahat ng oras nya. Oo. Napaka unfair ko. Siguro nga, may dapat na akong gawin. Dapat ko na atang itigil to. :( Ayokong nakikita syang nasasaktan. -_______________-

Tumatawa na naman sya. Yung tawang nag papanggap. Haaai. :|

THIS. -____-

7 most painful things.

1. Having a commitment with someone that would not last. This is the thing that I felt recently. I was not sure that the relationship I had would last. I had instinct that it would not last. I always have that confident in my self when having a love relationship with someone. But that time I felt doubt at all. I was so afraid to love. Its because of past thingy. I should love like I’ve never been hurt like everyone says. But when that person gave me some uncomfortable feedback. What does it mean? I suddenly think that the relationship would not last. And my instinct is always right. I knew it. And its killing me so much. Huhuhu.

2. Trying to hide what I really feel. This is the one. This is happening to me all the time. I always have that hurt feeling in the wrong moment when I think I should not mess anything up. So I try to hide my feeling. Its seriously killing me. When someone lets me down, I try to be strong. That thing makes me kill myself. You know, be strong isn’t always a good choice. I have a right to break down, but all I do is being strong. That makes me kill my self, again. Huhh? I know you’ve been through it. I know how you feel.

3. Bringing back the feeling you’ve learned to forget. You know what, the hardest thing to do in life is forgetting. Its hard to forget something you wish you don’t want to remember again. And when that thing happens, it feels like you just back to the past again. Feels like the time has brought you to the past again. I hate this. Seriously.

4. “What ifs”. These 2 words are always running in my mind. I just cant delete it. I just cant throw it. It sticks in my head. And I think it would stick there forever. I hate when I feel regret, I think about what if, what if, what if and what if. “What if I don’t let him enter my heart, I wouldn’t be hurt like this.” This is the one and the most that running through my mind. Every time someone left me, those words will always coming in my head.

5. Loving a person too much. I am the type of girl who loves someone too much. This is the thing that I really hate about myself. I shouldn’t love someone so much when I know that person will eventually leave me with nothing. It’s killing me more when I know the person that I love too much loves another. Can you imagine what I have been through before? It happened when I learned how to love for the very first time. Seriously, it was so painful.

6. Accepting that it was never meant to be. I always have this feeling. Trying to accept the thing that will never happen. Trying is hard for me when the result is I never want to accept it. Well, I eventually got it. But it took a very long time to accept. It took thousands miles to run away from it. it took many sacrifices just to get over it. Trust me, I took it all just to get there and have that good feeling again.

7. Reminiscing the good times. When I am down, I always try to remember all of the good time I had with my friends, my family or with the special one. But that is the hardest thing. When in the moment, you are desperately wishing you could have that moment again. But the truth is it would never happen and you know it. Having a good time is the thing that I want so much. Like who doesn’t? Everyone wants a good time.

Si phangeeet. :>>>



Meet phangeeet. :3 

Masarap magkaron ng lalaking kaibigan. Yung mapapagkatiwalaan mo at masasabi mo sa kanya lahat ng mga sikreto mo ng hindi ka nihihiya. Yung nirerespeto/galang ka. Yung sayo tumatakbo kapag may problema sya sa pamilya oh di kaya sa Girlfriend nya. Yung mahal ka nya kasi tinuturing ka nya hindi lang kaklase kundi isang matalik na kaibigan/kapamilya oh isang babaeng kapatid. Yung kahit malasing ka ng sobra sobra alam mong safe ka sa kanya. :)

Ganyan kami ni phanget. Madalas napapagkamalan pang kami. Sobrang close kasi namin. Kahit sa pamilya nya oh pamilya ko. Malaya akong nakakapunta sa kanila at ganun din sya. Minsan pa nga, pag wala akong magawa sa kanila ako tatambay at kwekwentuhin ko ang Mama. ;) Oo. Mama ung tawag ko sa Mama nya. Ako lagi yung nag susumbong sa mga kalokohan nya, pero kahit ganun, love na love ako ni phanget. HAHA. :3 Ganun lang din sya sa bahay, kapag natatapos silang mag inom tas gustong dumayo ng kape, dito sila sa bahay nag pupunta. Sobrang tiwala sa kanya ni Mama. :)

Masarap sa feeling yung may kaibigan ka na ganyan, yung nakakapag open kayo sa isa't isa kahit pa babae/lalaki kayo. Konsultahan ko sya pag dating sa love at ganun din sya. 

Ah, basta. Love na love ko ang lalaking yan. :>>>> Sobra. ;)

Halikayo at tayo'y ngumiti. :>


-But if you can love the ones who hurt you, you will overcome all obstacles.

Napatawad ko na sa puso ko ng tuluyan si EX. Wala ng ka bitteran pa. :>  Gusto ko, maging barkada nalang kami, gusto kong ibalik yung closeness na meron kami dati. Sayang kasi, pero hanggang dun nalang talaga. 

Si fiona, sya yung babaeng nang away sakin nun. Yung EX ni Aztatine, yung bagong naging barkada ko.
Sinasabi ko sa kanya ngaun lahat, wala na pala talaga sila. Umaasa pa din si girl, pero pinarealize kong hindi na dapat. Galit na galit sya sa text. Gago si Aztatine eh, malaking gago. Hindi nya dapat yun ginagawa. Noon, umasa din ako eh. Mahirap, masakit. Pero ngayon, habang sinusulat ko to, nakangiti na ako ng totoo. 

Alam ko yung hirap at sakit na pag dadaanan ni girl pero kelangan nya ng mag move on. Siguro nga nagmamahal lang si Aztatine, pero mali sya. Hindi sya dapat nangangako ng mga bagay na hindi naman nya kayang panindigan. :|

Still, pinatwad na kita. Okay na ko. Wala na sakin ang lahat. :)

Si EX.

Mga bandang 10pm ng may tumawatag sa phone ko, hindi ko agad napansin yung nuumber, pagkasagot ko, akala ko si JA, may usapan kasi kami na sa 23 na mag loload at pinag aaral ko muna sya at finals na nila pero dahil makulit yun, nakikitawag pa din sya para mangamusta. Pero mali ako, si EX. Sya pala yung tumatawag...

Ewan ko, nasa Qatar na daw sya. Gusto nya lang daw sabihin. :| Binalita yung mga bagay bagay dun. Hindi ko alam kung pano ba sa pakiramdam. Akala ko, nakalimot kana sabi ko sa kanya, imposible daw mangyari yun. Ang dami dami naming pinag chichikahan, mahigit 30mins din yung naitawag nya. Parang nandto lang sya sa pinas at unlicall eh. HAHAHA.

Pinaglalaruan na naman ako ni tadhana, alam ko. :) Kasi kung kelan nanjan na si JA gumaganyan si EX. Pero tulad ng laging sinasabi ng mga tita ko, enjoy life with caution. Magpapakasaya na nga lang ako. Tawa tayo. =))))


PS. Biniro ko si EX na dadalahin mo din jan ako ha. Sagot nya, eh magpapakasal ka ba sakin? Hayae mo, pagkatapos mo ng pag aaral. HAHAHAHAHAHAAHHA. =))))))))))))))))

Sabado, Mayo 19, 2012

BESTFRIEND VS. BOYFRIEND

Ano yung point ko sa post na toh? Pag-isipan niyo muna kung ano ba talaga mas mahalaga. Mahirap, baka pagsisihan mo. Hindi lang yan para sa choice between your bestfriend and your boyfriend, choice sa kahit anong bagay. Isipin mo munang mabuti kung alin yung dapat, hindi kung ano yung gusto mo. Tao lang tayo, nagkakamali. Aminin natin, madalas tayo magkamali. Kadalasan, kung ano yung gusto natin ay hindi kung ano yung dapat.
-Kyla


Wala lang. Napasmile lang ako nung nabasa ko yun. Si Bestfriend at si Sya. Ewan ko ba, sa katunayan si Arvin naman yung umiiwas sakin. -.- Nagka sagutan na din kami tungkol sa bagay na yun, pero puro sya Okay lang. Nakakabadtrip din. Sya naman kasi eh. -________________-

Sa totoo lang, mahalaga at iniingatan ko yung friendship na meron kami. Sobrang importante nun sakin eh, pero ayan. :3 Para na naman kaming sira.
Pag isipan niyo muna kung ano ba talaga ang mas mahalaga. Mahirap, baka pagsisihan mo. -Kyla
Mahalaga naman sya eh, sobrang mahalaga. -.- Pero ano nang gagawin ko kung sya na mismo yung dumidistansya? :/

Sinumbong ko na kay JA yung bagay na yan. Kilala nya yung pagka mapride ko, pag ayoko. Ayoko. Pero nakiusap na sya, na ako na yung mag pakumbaba dahil kaya naman kami nag kakaiwasan eh dahil nya.

Tinext ko sya, at kinompronta tungkol sa bagay na yun. nag Sorry. Humingi ng pasensya. Tinanong kung anong pinag aalburuto na naman nya at sinabi nyang "Alam mo na naman yung sagot eh.Hindi mo na kelangan pang tanungin ng tanungin pa. No worries, boto ako sa inyo. Ayan nga oh, sinusoprtahan ko pa kayo".

Naiinis ako sa totoo lang. Bat ba kasi nauuso pa ang love kapag mag bestfriend kayo? I mean, yung love na hindi tama para sa bestriend relationship. :| Nakakainis talaga. -.-

Ayokong mamili. Ayokong ipag kumpara sila. Mahalaga sila pareho. Bestfriend, sorry na. bati na tayo. :|

Si Mina. :>

Si Minang Petty yung laging nakakahuli ng mga kalokohan ko. Hahaha.
Mina for Tita, nasanay na kasi kaming magpipinsan na yun yung tawag sa lahat ng Tita namin. Mis maganda, mis Unique no? Nasabi kong laging sya kasi, dalawang beses nya nkong nahuli sa mga kalokohan ko sa pam- boboys. HAHAHA.

Nung una, second year HS palang ako nun, sa simbahan pa yun sa Basilica. Nireto lang talaga ko nun ng mga classmate ko. Sabi, sisimba nga daw kami. Kalalabas lang namin nun galing school. Sa church, nag paalam  sila sakin na may bibilihin lang daw. Nandun lang ako nun sa labas ng simbahan, nakaupo. Nang may lumapit sakin na guy tas biglang may lumabas sa simbahan. Waaaaaaaaaa. Si Mina pala. Huling huli ako. HAHAHA.

Ilang bwan din ako na puro explain nun, kesyo sinet-up ako, pero hinding hindi sila naniniwala. -.- Pagkatapos nun, yung ngayon naman, nahuli lang din talaga ako ngayon. Kausap nun ni mama si mina sa phone ng inabot sakin ni mama yung phone, naliligo pko nun, may sasabihin daw si mina, curiosity, kinuha ko yung phone at eto yung bungad nya sakin...


"Ate, bat naglilihim ka na ha? May boyfriend kana pala. Kung di ka pa mahuhuli, di mo pa sasabihin. Sige ka"
Malamang ang reaction ko, po? Ha? Kanino nyo naman po yan nalaman? Hindi po yan totoo tas tawa ako ng tawa. Halata na defensive ako. HAHAHAAHHAAHAHAHAHA. Pero tulad ng lagi nila sinasabi ni Mina taba.
"May paraan ang mina". Kdot. HAHAHA. Lagi nila akong pinapa background check? HAHAHA.

Eh di ayun, nag kaaminan na. Sabi ko, wala po akong boyfriend. Pero po, may nanliligaw sakin ngayon. Tas ang daming sinasabi, pogi lang daw sa paningin ko yung boyfriend ko. Tas ako, pano nyo naman po nalaman? Sa Facebook daw. Malulutong na halakhak yung itinawa ko, siguro kasi akala ni Mina yung mga nakatag sakin na picture na may mga ilang boys eh boyfriend ko yung isa dun. HAHAHA.

Tas sabi pa nya, sa bahay ko daw ipakilala. Hindi yung kani-kanino muna. Sinabi ko nalang na "Opo. Sa fiesta po. Dadalahin ko na sa bahay". 


Nakakatuwa lang isipin si Mina. :> Ng dahil sa kanya, nabubuking ako. HAHAHA. Still, wala naman akong tintago eh. Sandamakmak din na explanation yung hiningi nun ni Mama, sinabi ko nalang na "Ma, nanliligaw palang. K? Kinikilala ko pa. Wag kayong atat, pag nakilala ko na talaga, kayo naman" Tas sabi nya, gumaganon na daw ako. Sabihin ko na daw na bawal. Ang sagot ko, "Bawal bawal ka jan" at dun napangiti si Mama at sinabing "Aba, at gusto" HAHAHA.

Nagkakabiruan na din kami dahil kay JA. Tulad nung nililinisan nya ko nun ng tenga, dalaga na daw ako, sabi ko malamang tas sinapok ako. HAHAHA. Kagabi lang din ng mag kakwentuhan kami ni Mama ng tumawag sya at sinabi ni Mamang katext na, kausap mo pa. HAHAHAHAHA.

Tapos sa phone, sabi ni Mina. Baka naman Ate sa paningin mo lang gwapo at hindi sa paningin ko. Sagot ko nalang na "Sya Mina, bago ko ipakilala sa bahay, papapogiin ko muna" HAHAHA.

Tas si Minang Taba, yung tita ko na walang kasing kulit. Sinabi ko na din sa kanya, nag promise kasi ako sa kanya na kapag meron na. Magsasabi naman talaga ako. Sabi nya, "Thankyou Ate for telling the truth, gooooo. Enjoy basta with caution ha?" Yan yung lagi nyang sinasabi sakin, tas sabi pa, dalaga na daw ako, at mag gooooo pa ha? So, pwede na talaga? Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. :>>>>>>

Tumblr.


Yung puro ka-sweetan yung nasa Tumblr ko? :>>>>>>

Biyernes, Mayo 18, 2012

Tinamaan Ako Lyrics - Anne Curtis




Nang kita ay makilala
Napatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog
Ako'y sumemplang at nauntog

Ewan ko, ano bang meron ka't kikay na to'y napaamo mo?
Nabihag mo ang puso kong pihikan, agad na-in love sa'yo
Ikaw ba ay isang droga at naaadik ako
Isang kindat mo lang, mapapa-tumbling na ako

Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasirang schedule ko
Putres na kabaliwang ito

Lumalaki nang eyebags ko
'Di makatulog dahil sa'yo
Nagmumukhang zombie na ako
'Di mapakali ano ba ito?
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/a/anne_curtis/tinamaan_ako.html ]
Sana lang mapapansin mo rin, 
Ang kagandahan kong ito
Hirap na kasi ang lola mo
Nabaliw na ata sa kapapantasya sa'yo
Daig mo pa si Pacman, napatumba ako
Isang sulyap mo lang, natotorete na ang utak ko
Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasirang schedule ko
Putres na kabaliwang ito

Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasirang schedule ko
Putres na kabaliwan... 
Tinamaan ako (my papa)
Pansinin mo ako (ohh sana)
Oras ko'y iyong-iyo (kaloka)
Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ako, 
Ililibre ko ang tropa mo

Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasirang schedule ko
Putres na kabaliwang ito

Tinamaan mo ako
Hiling ko, Mr. Kupido
Panain mo rin siya, 
Nang pagnasaan niya rin ako

(La la la, la la, laa...)
Hiling ko, Mr. Kupido
(La la la, la la, laa...)
(La la la, la la, laa...)
Hiling ko, Mr. Kupido
(La la la, la la, laa...)

Miyerkules, Mayo 16, 2012

60 things girls need to know about guys.

39. If your best guy friend seems to avoid you or is never around when you're with your boyfriend, he's probably jealous and likes you. -Bestfriend

40. When a guy looks at you for longer than a second, he's definitely thinking something. -EX

60. When a guy sacrifices his sleep and health just to be with you, he really likes you and wants to be with you as much as possible. -Sya

-60 things girls need to know about guys.

Wala lang. Napasmile lang ako nung nabasa ko yan. :) Saktong sakto lang kasi eh. HAHAHA.

Si Arvin, ang guy bestfriend ko.... nung nakita nyang kasama ko si Sya talagang pinagka iwas iwasan nya ko. Talagang tinodo nya ang pang snob at pag iwas sakin. Alam ko naman eh, ramdam ko. -.- Hindi ako feeling. Alam ko lang yung nararamdaman nya, pero napag usapan na naman namin yun eh. Na hindi pwede, na bawal. :| Nagtext din sya sakin nung pag kauwi ko, goodluck daw samin. Woa. Sabi ko, "Wag ng bitter please."

Ewan ko, alam ko nasaktan sya pero anong magagawa ko? Nung una pa lang naman, sinabi ko na sa kanya yung totoo eh. Tapos ang reply nya "Di ako bitter. Nag goodluck lang" sabi ko naman "Kilala kita" Sagot nya "No, its ok". 

Hindi eh, hindi sya okay. Pero ayoko ng icomfort pa sya. Hanggang bestfriend lang kasi talaga eh. :/ Sana maintindihan nya yun. May dahilan ako, kung alam mo lang. :'(
Bestfriend,
Hindi ko alam kung napapadaan ka pa sa page kong 'to pero gusto kong sabihin sayo na mahal kita. Mahal kita. :( Pero, hindi pwede. Bawal.  Ayokong may mag bago satin. Hindi ko gusto yung pag susungit mo sakin dahil lang may kasama akong iba. Ayaw mo ba kong maging masaya? Bestfriend, masaya ako sa kanya eh. :/ Sorry. Hindi ko alam kung para saan pero sa tingin ko, kelangan kong mag sorry. Balik na tayo sa dati please? Yung nakapag bibiruan tayo ng walang halong iba, nakapag swee'sweetan/bangayan na akala mo mag asawa tayo. Naalala mo yung pinost ko dati dito na tungkol sayo? -____- Namimiss ko na yung dating tayo. :(  Hindi naman ako naglilihim sayo ah? Bat ikaw? Bat kelangan mong magtago? Ang labo mo naman eh. :| Namimiss na kita talaga. :(( Nasasaktan ako. Wag kana mang ganyan please? :(

EX. When a guy looks at you for longer than a second, he's definitely thinking something.
Anong kayang iniisip nya nung nakita nya ko? Harapan. Matagal. Tinititigan nya lang talaga ako, pero hindi ko na magawang tumingin pa sa kanya tulad ng mga pailan ilan na nababasa ko sa mga mata nya. 17 na ngayon. Ibig sabihin, umalis na sya talaga. Hindi naging maganda yung pag ba'babye namin sa isa't isa. Nagkaprangkahan eh. :/ Ewan ko ba blogger, bahala na talaga sya. Nilelet go ko na sya ng buong buo, ng walang panghihinayang, ng may mga ngiti sa labi. Bye, Alvin Custodio. Salamat nalang sa pangakong babalik ka. Pero, hindi na. Wala kanang babalikan pa eh. Tapos na talaga. :)))))

Si Sya...Nun palang naman sinabi ko na hindi ko alam kung hanggang san ba ang meron kami, kung tatagal ba at sinabi ko ding hahayaan ko na muna kasi masaya ako.  Sabi "When a guy sacrifices his sleep and health just to be with you, he really likes you and wants to be with you as much as possible". Gusto nya siguro talaga ako. HAHAHA. Eh kasi naman, Totoo yan eh. Kahit may pasok pa sya kinabukasan pinili nyang makasama ako. :) 

Si Sya. Si J.A. 
Hindi ko alam kng pasan ba yung punta namin. Kung ano ba yung pupuntahan nito. Soon, blooger. Babalitaan kita. :)

Sabado, Mayo 12, 2012

Mahirap magtago ng sikreto lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa mundo.


Ilang beses ko nang naramdaman to. Pero ano ba yung sikretong yun? Yung sikretong gusto mo siyang alagaan. Gusto mong mahalin. Pano pa magiging sikreto? Kung sinabi ko na dito?

Tayo ay magbalik at ating talakayin ang problema ng bawat isa sa atin.

Minsan kasi ang nangyayari satin takot tayo masira ang friendship ng bawat isa.
Kasi nakakatakot baka mag kailangan kayo diba?

Di tulad ng pagkaibigan mo lang.Eh malalambing mo at hindi ka pa mag seselos kahit sino pa kasama niya.
Eh what if commited na kayo?

Yung dating hindi mo nakakaaway at nakakatampuhan eh nagiging dahilan ng hindi mo pagkain sa umaga,tanghali at gabi?

Yung dating kabiruan mo eh isa na sa mga taong seryoso sayo.

Magrereklamo kang nasaskal ka eh kasi pumasok ka sa relasyon.

Kelangan nang dalawang taong malawak ang utak (o kaya mataba ang utak) para magkaintindihan. 

Kung magiging paranoid tayo walang mangyayari satin. Puro away lang. 

Dapat magaling ka mag desisyon. Kung kailan siya papayagan at kung kailan naman hindi. 
Masarap magmahal. May hihilingin ka pa ba pag nagmahal ka? Oo naman syempre. Meron pa. Madami tayong hinihiling. Di naman tayo mauubusan nun.

Pagumabot ka pa sa linyang ito. Maraming salamat kaibigan dahil tunay na binabasa mo ito. Gusto ko lang mag express ng nararamdaman. Dahil minsan mabigat na. sobrang bigat na.

Ma, wag na nating ipilit. - Basha

--Nobela ni Rhadson
Sapol lang naman ako sa sinabi ni Koya. -___-

Biyernes, Mayo 11, 2012

Hi Blogger! :)

Wala lang, wala kasing magawa kaya nangungulit na naman ako sayo. :) Namiss lang kita. :> Okay pa naman kami ni Tumblr. HAHAHA. Love ko lang din sya talaga kasi nga nung mga Reblog Thingy, pero ikaw parin ang number one ko. Tahimik na Blogger lang ako dun, reblog lang ako ng reblog ng mga quotation/pictures na nagugustuhan ko. Ayun lang. Nakakatuwa lang dun kasi may mga nag T'TA na saking mga anon, hahaha pero dko naman sinasagot. Wala lang. :) Nakakatuwa lang din kapag may mga nakaka appreciate ng mga nirereblog ko lang din tulad kapag nilalike oh nirereblog din nila mula sakin. :D Tapos, nag ge'gain na din ako ng followers. Ang saya! :) Pero sabi ko nga, d'best ka pa din. Hihi.




Meet Snow, my Baby. :">

Wala lang. Hihi. Sobrang cute na cute lang ako sa kanya. 1st time namin mag alaga ng aso. Ayaw kasi talaga ni mama, pero nung last na uwi ni Mina ( Tita ko ) no choice na kundi alagaan, nung unang talagang ayoko mag alaga oh hawakan pa lang kahit cute pa syang tingnan, Nakagat kasi nun yung mama ko tas nahabol pko nun ng aso. :3 HAHAHA. Eh sa pagtagal naman ng araw, nakakatuwa na sya. Sobrang lambing lang nya. Tas nung mga unang linggo nya samin hindi talaga sya tumatahol. As in. Tas ayun, hanggang sa naka 1month na din sya sa bahay. Sobrang bubbly na ni snow. Nanahol na. -.- HAHAHA. Nakakatabi ko na din sya matulog. Gusto nya na laging may kasama, nakakatuwa. Ang lambing lambing nya lang talaga. :"> Yung kapag nakikita nya ko eh mananamba na. Sweet. Hihi. :))))



Lunes, Mayo 07, 2012

So, anong meron? -____________-

Hindi ko alam kung ano na naman bang nangyayari. Kung nilalaro na naman ba ako ng tadhana. Hahaha. Tadhana? Ewan ko ba. Ang gulo  na kasi eh. -___-


Saturday, April 28, 2012 nang nagsulat ulit ako ng tungkol sa kanya, ng maalala ko sya. Oo. Sya. Si EX. Sinabi kong gusto ko syang makita. Gusto ko bago man sya umalis. Tapos, pagkatapos ng ilang araw, charan... nagparamdam sya, out of the blue. :| So anong meron? Hindi nya alam tong blog na to. So, imposible na nabasa nya yun. Alam ko yun. Hindi sya mainternet na tao. Kabisado pa din nya yung number ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko dun.

1year and 4months na kaming wala. Isang taon at apat na buwan na din akong Single. Hindi maganda yung naging break-up namin, alam ko yun. Ayoko ng ibalik yung past. Tapos na eh. Sinabi ko sa kanyang friends na ulit kami, pero alam ko, ramdam ko sa mga text nya na hindi yun yung gusto nya. Paranoid much? Ewan ko ba.

19textmessages. Wow lang. Hindi ko sya magawang ii delete sa inbox ko, sa katanuyan, gumawa pko ng bagong folder para lang hindi matabunan yung text nya. :|

~Magandang gabi sayo alyssa,.

Yang text palang na yan, iba na yung pakiramdam ko. Oo. Sinabi ko sa sarili ko sya yan. Kilala ko yung text nya. Kilalang kilala ko sya. :/

~Sana naaalala mo pa ako ashii,. :(

Sa sinabi nyang yan. Bumigay na ulit ako. Ewan ko ba. Sumakay lang ako sa pangyayari nung mga oras na yan.

~Yup,. Ako nga,. Kmusta ka na?,.
~Oo,. Hmm,. Oo nga eh,. 10 days na nga lang,. Kmusta ang love life?
~Hindi ko naman makakalimutan ang number ng ashii ko ih,. Hehe,. Hmm,. Talaga,. Ok yun,. Kaso wala na kami ni fiona,. 3months na,.

Ashiii. Yung salitang itinawag nya sakin kapag lagi ko syang kausap sa phone at babarahin ng salitang asus, pero sinasab ikong ashuuu. 10days. Aalis na nga sya. Wala na daw sila. Ewan ko.

~Nga pala,. ............................................... Promise mo yan ah,.

Isang bagay na sinabi nya na nangako akong hindi ko sasabihin kahit kanino. Tss.

~Matagal na kita gusto itext kaso wala ngang cp eh,. Hmm,. Ngayon lang,. Naisip ko lang,. Ikaw nalang yung gusto kong makita oh makasama bago ako umalis,. Kung ok lang sana,.
~Ikaw lang ang ang gusto kong may makaalam,. At sana nga pla wag mo ng babaguhin ang number mo ah,.
~Basta papayag ka ng isang buong araw ih,. ^_^

Yung ngiting yun, kelanman hindi ko yun nakalimutan. :|

~Agad ng masama?,. Wala ka na bang tiwala saken?,.
~Basta gagawa ako ng paraan,. Anjan ka lang naman lagi sa inyo. ^_^
~Ikaw talaga,. Ashii ko,. Prinsesa ko,. Alvin to,. Nalulungkot nga ako ihh,. Haaay,. Napapaluha ako,.

Nagduda ako na baka hindi sya yun Pero ayan, dumali na naman sya ng ganyang salita na parang walang nangyari. Ashii ko, prinsesa ko, mga salitang lagi nyang tawag sakin. Hindi pa din sya nagbabago. Hindi pa din sya nahihiyang sabihan na umiiyak sya ng dahil ko. :/

Last naming pagkikita nun eh nung nasa kanila, di GF pa sya nun at time pa yun ng sinisiraan ako ng GF nya. Pinuntahan ko sa ElSitio at  dun ulit kami nagkita. Nung mga time na yun, parang walang nangyari. Nagbibiruan kami na parang mga bata, nagkukulitan nagpipikunan. Hanggang sa pinaalala sakin ng mga ksama ko ang realidad. Umalis akong walang imik. At sa huling pagkakataon, nakita ko na naman syang umiiyak. :|

 ~Ndi na pwede ang 15,. Hahanda ko na lahat ng papers ko nun,. Chaka mga dadalhin,. 17 ang alis ko,.
~Kaya nga nalulungkot ako ih,.
~Wala syang sinabi saken,. Tsk,. Nakakainis,. Hmm,. Sana mayakap kita bago ako umalis,. Kahit 10 sec. Lang,.
~Na ngayon lang ulit kita nakausap,. Na bakit kasi ngayon lang,.
~Sa pagalis ko kaya mababalikan kita?,. Ok lang ba?,.

Gago talaga sya no? HAHAHA

~Ok. Wag kanang aalis jan,. Para magulat ka na lang kung biglang may tatawag sayo jan after a year,. ^_^
~Ewan ko,. Pagdating ko pa dun malalaman,. Basta sasabihin ko sayo lahat,. ^_^ At ako mismo magdadala ng chocolate sayo,.

1am. Nawala na sya. Hindi na nagreply. Siguro hindi pa din sya sanay magpuyat. HAHAHA. Ewan ko ba. Ang gulo gulo. -__________-

Pero alam mo? Nung mga oras na yan. Isa lang yung naiisip ko. I Remember the Boy, but I dont Remember the feelings Anymore. :D

Linggo, Mayo 06, 2012

Its been a week. 


Hindi ko alam kung hanggang san ba to tatagal. Kung san patungo tong ginagawa namin. Kung tama ba. Alam ko kung pano sya nagsimula, bawat pangyayari bawat pinagusapan pero bakit ganun? Alam ko ang simula pero hindi ko na matagpuan ang daan papuntang katapusan. 
Siguro dahil ayoko pa, hindi ko pa kaya. Tama. Masaya ako. Masaya akong nakilala sya. 
Sa totoo lang, ayokong ikwento kung ano na ba yung meron kami. Kung nasaan na ba kami. Ayokong mawala yung mga salitang sinabi nya. Pinanghahawakan ko yun. Magtatagal man oh hindi, totoo man oh kasinungalingan Masaya ako.
Ayoko na munang isipin yung sasabihin ng iba. Ayoko na munang makita yung mga tingin nilang kakainb. Mga matang may ibig pakahulugan.Ayoko na munang makaramdam ng iba. Tama na muna to... sa ngayon.
Umalis man sya oh manatili. Ayos lang. Pero sa ngayon, hanggat masaya ako, masaya kami. Bahala na muna sila. Bahala na muna si Spiderman. :)