Sabado, Mayo 19, 2012

BESTFRIEND VS. BOYFRIEND

Ano yung point ko sa post na toh? Pag-isipan niyo muna kung ano ba talaga mas mahalaga. Mahirap, baka pagsisihan mo. Hindi lang yan para sa choice between your bestfriend and your boyfriend, choice sa kahit anong bagay. Isipin mo munang mabuti kung alin yung dapat, hindi kung ano yung gusto mo. Tao lang tayo, nagkakamali. Aminin natin, madalas tayo magkamali. Kadalasan, kung ano yung gusto natin ay hindi kung ano yung dapat.
-Kyla


Wala lang. Napasmile lang ako nung nabasa ko yun. Si Bestfriend at si Sya. Ewan ko ba, sa katunayan si Arvin naman yung umiiwas sakin. -.- Nagka sagutan na din kami tungkol sa bagay na yun, pero puro sya Okay lang. Nakakabadtrip din. Sya naman kasi eh. -________________-

Sa totoo lang, mahalaga at iniingatan ko yung friendship na meron kami. Sobrang importante nun sakin eh, pero ayan. :3 Para na naman kaming sira.
Pag isipan niyo muna kung ano ba talaga ang mas mahalaga. Mahirap, baka pagsisihan mo. -Kyla
Mahalaga naman sya eh, sobrang mahalaga. -.- Pero ano nang gagawin ko kung sya na mismo yung dumidistansya? :/

Sinumbong ko na kay JA yung bagay na yan. Kilala nya yung pagka mapride ko, pag ayoko. Ayoko. Pero nakiusap na sya, na ako na yung mag pakumbaba dahil kaya naman kami nag kakaiwasan eh dahil nya.

Tinext ko sya, at kinompronta tungkol sa bagay na yun. nag Sorry. Humingi ng pasensya. Tinanong kung anong pinag aalburuto na naman nya at sinabi nyang "Alam mo na naman yung sagot eh.Hindi mo na kelangan pang tanungin ng tanungin pa. No worries, boto ako sa inyo. Ayan nga oh, sinusoprtahan ko pa kayo".

Naiinis ako sa totoo lang. Bat ba kasi nauuso pa ang love kapag mag bestfriend kayo? I mean, yung love na hindi tama para sa bestriend relationship. :| Nakakainis talaga. -.-

Ayokong mamili. Ayokong ipag kumpara sila. Mahalaga sila pareho. Bestfriend, sorry na. bati na tayo. :|