Martes, Enero 22, 2013

Kamusta, kaibigan? :)

2013 na. Ang tagal na simula nung huli akong nagsulat dito. May mga nagbago na. Hindi ko alam kung san ko sisimulan magkwento pero kung tutuusin ang dami ko ng utang sayo, no? :) Sorry ha? Naging busy na din kasi. :/ Pero gusto ko lang malaman mo na okay ako, masaya ako. :)

Kwekwento ko nalang kung bakit, okay ba yun? Hahaha! Una, masaya ako kasi okay naman yung studies ko, pangalawa, hindi naman ako nangangayayat, sa katunayan lumba lumba na ata ako pero wala akong pakialam, masarap pong kumain e. Haha! Okay na kami ni mama kahit minsan nagkakabwisitan pa din ( yung tungkol dito blogger nag away kasi kami dati, hehe pero ayos na naman ngayon, happy happy na ulit! :) ) Ano pa ba? Uhm, okay naman kami ng BS. Buo at matatag pa din kami ng Minotaur. :) Alam mo yun? Kahit ang tagal tagal na since nung grumaduate kami ng HS kami at kami pa din yung magkakasama, hindi nga lang tulad ng dating buo, pero kung nagkaka time naman pinipilit naming magsama sama, ang last eh nung 19th burthday ko. :))) Sina popoy, pandet, pot, phanget, mamhe ay ilan lang sa mga kaibigan ko na hindi nagsasawang umintindi sa bipolar kong ugali, lalo na sina bix at arvin ang bestest na atang kaibigan sa lahat. Alam mo yun? Kahit anong ugali yung ipakita mo, kesa sabayan nila iintindihin nalang nila, basta the best po talaga! :D

Wala na akong makwento. HAHAHA! Yung kila jerome at aztatine, wala na po yun. Si jerome, wala na akong balita sa kanya bukod sa alam kong bitter pa din sya sakin. Hahaha! Si aztatine, ayun nag paka duwag na naman sa buhay, last month lang tumawag sya sakin at nakikipag kaibigan ulit, at ako? What the F lang. Hahaha! Like, okay lang sya? Hindi naman sa bitter ako pero alam mo yun? Ngayon ko lang nagets yung sinasabi nila na hindi daw pwedeng maging magkaibigan ang magEX, alam ko namang may katagalan na pero blogger naging maging kaibigan na kasi kami ulit pagkatapos nung lahat ng naging gulo tas ayun, ginago na naman ako. Hay blogger! Looooong Story, pero wag kang mag alala wala namang nangyayari na balikan e. HAHAHA!

2yrs na ata akong single oh higit pa? HAHAHA! ( pagkatapos po ni aztatine, wala na akong nagiging BF. Hahaha! Pero sya lang naman yung naging BF ko. :/ ) HAHAHA! Yung kay jerome po, pinakilala ko lang sya kila mama pero unfortunately, walang nangyari. :P

Pero blogger alam mo, minsan lang naman ako nakakapag emo na bakit ba wala akong boyfriend ganyan ganyan, dko dn naman kasi nararamdaman na mag isa lang ako. ( paminsan lang! Hahaha! ) Alam mo kung bakit? Nanjan naman kasi yung mga barkada ko. Ang BS. Kapag sa school hindi kami naghihiwalay, samahan mo pa ng mga bagong tropa, sa text nanjan si cha at bb na akala mo asawa ko kung makalandian. Haha! At sa mga lakadan? Nanjan ang MINOTAUR. Kelanman hindi nila ako iniwan, tulad ng dati isang tawag ko lang ora mismo may panahon sila para sakin. :) Usong uso na samin yung overnight, magdamag inuman, basta magkayayaan go lang kahit ako lang, si arvin, bix at benson. :)

Bukod sa lalo kong paglaki may mga nabago na din pala. :> Hindi lang yung taon kundi pati yung nararamdaman ko. Yiee! Curious ka no? Tsaka na muna. Basta blogger masaya ako. :) Tsaka inlove. :>>>>