Sabado, Mayo 19, 2012

Si Mina. :>

Si Minang Petty yung laging nakakahuli ng mga kalokohan ko. Hahaha.
Mina for Tita, nasanay na kasi kaming magpipinsan na yun yung tawag sa lahat ng Tita namin. Mis maganda, mis Unique no? Nasabi kong laging sya kasi, dalawang beses nya nkong nahuli sa mga kalokohan ko sa pam- boboys. HAHAHA.

Nung una, second year HS palang ako nun, sa simbahan pa yun sa Basilica. Nireto lang talaga ko nun ng mga classmate ko. Sabi, sisimba nga daw kami. Kalalabas lang namin nun galing school. Sa church, nag paalam  sila sakin na may bibilihin lang daw. Nandun lang ako nun sa labas ng simbahan, nakaupo. Nang may lumapit sakin na guy tas biglang may lumabas sa simbahan. Waaaaaaaaaa. Si Mina pala. Huling huli ako. HAHAHA.

Ilang bwan din ako na puro explain nun, kesyo sinet-up ako, pero hinding hindi sila naniniwala. -.- Pagkatapos nun, yung ngayon naman, nahuli lang din talaga ako ngayon. Kausap nun ni mama si mina sa phone ng inabot sakin ni mama yung phone, naliligo pko nun, may sasabihin daw si mina, curiosity, kinuha ko yung phone at eto yung bungad nya sakin...


"Ate, bat naglilihim ka na ha? May boyfriend kana pala. Kung di ka pa mahuhuli, di mo pa sasabihin. Sige ka"
Malamang ang reaction ko, po? Ha? Kanino nyo naman po yan nalaman? Hindi po yan totoo tas tawa ako ng tawa. Halata na defensive ako. HAHAHAAHHAAHAHAHAHA. Pero tulad ng lagi nila sinasabi ni Mina taba.
"May paraan ang mina". Kdot. HAHAHA. Lagi nila akong pinapa background check? HAHAHA.

Eh di ayun, nag kaaminan na. Sabi ko, wala po akong boyfriend. Pero po, may nanliligaw sakin ngayon. Tas ang daming sinasabi, pogi lang daw sa paningin ko yung boyfriend ko. Tas ako, pano nyo naman po nalaman? Sa Facebook daw. Malulutong na halakhak yung itinawa ko, siguro kasi akala ni Mina yung mga nakatag sakin na picture na may mga ilang boys eh boyfriend ko yung isa dun. HAHAHA.

Tas sabi pa nya, sa bahay ko daw ipakilala. Hindi yung kani-kanino muna. Sinabi ko nalang na "Opo. Sa fiesta po. Dadalahin ko na sa bahay". 


Nakakatuwa lang isipin si Mina. :> Ng dahil sa kanya, nabubuking ako. HAHAHA. Still, wala naman akong tintago eh. Sandamakmak din na explanation yung hiningi nun ni Mama, sinabi ko nalang na "Ma, nanliligaw palang. K? Kinikilala ko pa. Wag kayong atat, pag nakilala ko na talaga, kayo naman" Tas sabi nya, gumaganon na daw ako. Sabihin ko na daw na bawal. Ang sagot ko, "Bawal bawal ka jan" at dun napangiti si Mama at sinabing "Aba, at gusto" HAHAHA.

Nagkakabiruan na din kami dahil kay JA. Tulad nung nililinisan nya ko nun ng tenga, dalaga na daw ako, sabi ko malamang tas sinapok ako. HAHAHA. Kagabi lang din ng mag kakwentuhan kami ni Mama ng tumawag sya at sinabi ni Mamang katext na, kausap mo pa. HAHAHAHAHA.

Tapos sa phone, sabi ni Mina. Baka naman Ate sa paningin mo lang gwapo at hindi sa paningin ko. Sagot ko nalang na "Sya Mina, bago ko ipakilala sa bahay, papapogiin ko muna" HAHAHA.

Tas si Minang Taba, yung tita ko na walang kasing kulit. Sinabi ko na din sa kanya, nag promise kasi ako sa kanya na kapag meron na. Magsasabi naman talaga ako. Sabi nya, "Thankyou Ate for telling the truth, gooooo. Enjoy basta with caution ha?" Yan yung lagi nyang sinasabi sakin, tas sabi pa, dalaga na daw ako, at mag gooooo pa ha? So, pwede na talaga? Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. :>>>>>>