Linggo, Mayo 06, 2012

Its been a week. 


Hindi ko alam kung hanggang san ba to tatagal. Kung san patungo tong ginagawa namin. Kung tama ba. Alam ko kung pano sya nagsimula, bawat pangyayari bawat pinagusapan pero bakit ganun? Alam ko ang simula pero hindi ko na matagpuan ang daan papuntang katapusan. 
Siguro dahil ayoko pa, hindi ko pa kaya. Tama. Masaya ako. Masaya akong nakilala sya. 
Sa totoo lang, ayokong ikwento kung ano na ba yung meron kami. Kung nasaan na ba kami. Ayokong mawala yung mga salitang sinabi nya. Pinanghahawakan ko yun. Magtatagal man oh hindi, totoo man oh kasinungalingan Masaya ako.
Ayoko na munang isipin yung sasabihin ng iba. Ayoko na munang makita yung mga tingin nilang kakainb. Mga matang may ibig pakahulugan.Ayoko na munang makaramdam ng iba. Tama na muna to... sa ngayon.
Umalis man sya oh manatili. Ayos lang. Pero sa ngayon, hanggat masaya ako, masaya kami. Bahala na muna sila. Bahala na muna si Spiderman. :)