Lunes, Mayo 07, 2012

So, anong meron? -____________-

Hindi ko alam kung ano na naman bang nangyayari. Kung nilalaro na naman ba ako ng tadhana. Hahaha. Tadhana? Ewan ko ba. Ang gulo  na kasi eh. -___-


Saturday, April 28, 2012 nang nagsulat ulit ako ng tungkol sa kanya, ng maalala ko sya. Oo. Sya. Si EX. Sinabi kong gusto ko syang makita. Gusto ko bago man sya umalis. Tapos, pagkatapos ng ilang araw, charan... nagparamdam sya, out of the blue. :| So anong meron? Hindi nya alam tong blog na to. So, imposible na nabasa nya yun. Alam ko yun. Hindi sya mainternet na tao. Kabisado pa din nya yung number ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko dun.

1year and 4months na kaming wala. Isang taon at apat na buwan na din akong Single. Hindi maganda yung naging break-up namin, alam ko yun. Ayoko ng ibalik yung past. Tapos na eh. Sinabi ko sa kanyang friends na ulit kami, pero alam ko, ramdam ko sa mga text nya na hindi yun yung gusto nya. Paranoid much? Ewan ko ba.

19textmessages. Wow lang. Hindi ko sya magawang ii delete sa inbox ko, sa katanuyan, gumawa pko ng bagong folder para lang hindi matabunan yung text nya. :|

~Magandang gabi sayo alyssa,.

Yang text palang na yan, iba na yung pakiramdam ko. Oo. Sinabi ko sa sarili ko sya yan. Kilala ko yung text nya. Kilalang kilala ko sya. :/

~Sana naaalala mo pa ako ashii,. :(

Sa sinabi nyang yan. Bumigay na ulit ako. Ewan ko ba. Sumakay lang ako sa pangyayari nung mga oras na yan.

~Yup,. Ako nga,. Kmusta ka na?,.
~Oo,. Hmm,. Oo nga eh,. 10 days na nga lang,. Kmusta ang love life?
~Hindi ko naman makakalimutan ang number ng ashii ko ih,. Hehe,. Hmm,. Talaga,. Ok yun,. Kaso wala na kami ni fiona,. 3months na,.

Ashiii. Yung salitang itinawag nya sakin kapag lagi ko syang kausap sa phone at babarahin ng salitang asus, pero sinasab ikong ashuuu. 10days. Aalis na nga sya. Wala na daw sila. Ewan ko.

~Nga pala,. ............................................... Promise mo yan ah,.

Isang bagay na sinabi nya na nangako akong hindi ko sasabihin kahit kanino. Tss.

~Matagal na kita gusto itext kaso wala ngang cp eh,. Hmm,. Ngayon lang,. Naisip ko lang,. Ikaw nalang yung gusto kong makita oh makasama bago ako umalis,. Kung ok lang sana,.
~Ikaw lang ang ang gusto kong may makaalam,. At sana nga pla wag mo ng babaguhin ang number mo ah,.
~Basta papayag ka ng isang buong araw ih,. ^_^

Yung ngiting yun, kelanman hindi ko yun nakalimutan. :|

~Agad ng masama?,. Wala ka na bang tiwala saken?,.
~Basta gagawa ako ng paraan,. Anjan ka lang naman lagi sa inyo. ^_^
~Ikaw talaga,. Ashii ko,. Prinsesa ko,. Alvin to,. Nalulungkot nga ako ihh,. Haaay,. Napapaluha ako,.

Nagduda ako na baka hindi sya yun Pero ayan, dumali na naman sya ng ganyang salita na parang walang nangyari. Ashii ko, prinsesa ko, mga salitang lagi nyang tawag sakin. Hindi pa din sya nagbabago. Hindi pa din sya nahihiyang sabihan na umiiyak sya ng dahil ko. :/

Last naming pagkikita nun eh nung nasa kanila, di GF pa sya nun at time pa yun ng sinisiraan ako ng GF nya. Pinuntahan ko sa ElSitio at  dun ulit kami nagkita. Nung mga time na yun, parang walang nangyari. Nagbibiruan kami na parang mga bata, nagkukulitan nagpipikunan. Hanggang sa pinaalala sakin ng mga ksama ko ang realidad. Umalis akong walang imik. At sa huling pagkakataon, nakita ko na naman syang umiiyak. :|

 ~Ndi na pwede ang 15,. Hahanda ko na lahat ng papers ko nun,. Chaka mga dadalhin,. 17 ang alis ko,.
~Kaya nga nalulungkot ako ih,.
~Wala syang sinabi saken,. Tsk,. Nakakainis,. Hmm,. Sana mayakap kita bago ako umalis,. Kahit 10 sec. Lang,.
~Na ngayon lang ulit kita nakausap,. Na bakit kasi ngayon lang,.
~Sa pagalis ko kaya mababalikan kita?,. Ok lang ba?,.

Gago talaga sya no? HAHAHA

~Ok. Wag kanang aalis jan,. Para magulat ka na lang kung biglang may tatawag sayo jan after a year,. ^_^
~Ewan ko,. Pagdating ko pa dun malalaman,. Basta sasabihin ko sayo lahat,. ^_^ At ako mismo magdadala ng chocolate sayo,.

1am. Nawala na sya. Hindi na nagreply. Siguro hindi pa din sya sanay magpuyat. HAHAHA. Ewan ko ba. Ang gulo gulo. -__________-

Pero alam mo? Nung mga oras na yan. Isa lang yung naiisip ko. I Remember the Boy, but I dont Remember the feelings Anymore. :D