Linggo, Mayo 27, 2012

Baby. -_-


Yung feeling na, asang-asa ka na pupunta ang mga mahahahalagang tao sa buhay mo sa isa sa pinaka-importanteng araw mo. Nakakapagtampo. Gusto kong magalit, mainis, magtaray. :”( Di ko magawa. Wala din naman mangyayare, di pdin naman sila pupunta. Siguro nga, Kung ayaw daming dahilan.Reasons! Reasons! TSSSSSS. -Baby

Pinapatamaan nya ko sa Tumblr. Alam ko. Kasalanan ko naman talaga eh. :||

Nagalit/nagtampo lang naman sakin si AJ. Ngayon palang kasi, alam ko ng d ako makakapunta sa 18th birthday nya. Oo. Alam ko inaasahan nya ko, pero may mga ilang dahilan din naman ako. Una, wala talaga akong pera. Pangalawa, hindi ako payagan at napakalayo daw at ang pinaka dahilan ko ay wala akong isusuot. Hindi kasi ako pa girl eh. Kaya pag ganyang mga may party, hindi talaga ako pumupunta kasi hindi ako nagiging komportable sa suot ko. 

Nung una palang, sinabi ko na hindi talaga ak makakapunta. Nagtampo sya, alam ko. :| Pero sinabi kong babawi nalang ako. SORRY TALAGA, BABY. 

Puro nga po siguro ako dahilan, pero kung alam mo lang. :(