Sabado, Pebrero 23, 2013

Kahit sa huling pagkakataon pinatunayan nya talagang seryoso sya. 

Hindi kami natuloy. Alam mo yun? Basta. Mahabang kwento, eto yung sasabihin ko nalang sayo... Nang dahil dun, nag away na naman kami, ibang klaseng away na naman. Para hindi ko maisip yung nangyari, nagpasama nalang ako kay mamhe mag liwaliw. Shopping, foodtrip, ganun lang maghapon. Sa SB na kmi tumambay para mag kwentuhan, tas dko inaakala dumating sya. Ni ha, ni ho walang pasabi kasama yung mama at kapatid nya. Ano ba dapat maging reaksyon ko? Matuwa kasi nabigyang linaw lahat nung tanong sa isip ko? Oh magalit kasi ginawa nya yun para may mapagmalaki na naman sa sarili nya? 

Galit ako e. Tampo ako. Naiinis ako. Pero bakit ganun? Nung nag sorry sya pati yung mama nya sakin nawala lahat? Hay. Pero sa huli, pinairal ko yung pride ko. Kelangan ko yun e. sobra na nga kasi. Tapos nagpunta pa sila sa bahay, yung mama nya humingi ng personal na pasensya kay mama. Haaay. Ano ba to. Ang dami tuloy nadamay.:(