Martes, Hunyo 19, 2012

#Eh kasi? :")

Yung inadd ka ng isa sa pinaka matagal mo ng crush? Hanobayan! :>

Crush ko na si tooooot thirdyear highschool palang ako. Tapos hanggang ngayon, pag nakikita ko pa din sya alam ko sa sarili ko na hindi pa din nawawala yung pag hanga ko sa kanya. Landddeee! Hahaha.

So? Kung tutuusin, 3 oh 4 na taon ko na syang gusto? Hahahahahaha. Ba yan! -.- Bat ko nga ba sya kinukwento sayo? Eto kasi; 


Ilang beses ko na syang nakikita kapag tumatambay pa kami sa GGC nun. Snob nya lang ako. Alam nya ata? Na crush ko sya eh. Hahaha. Highschool kasi eh, si bix, trip na nun ang mambulgar ng crush. Sinisigaw pa nya yun palagi pag nakikita namin sya. Ayos diba? Pero, di nya nga kami pinapansin. College na kasi sila nun, HS lang kami. 


Pero iba yung nangyari kanina, kakaiba talaga. :> Nakasabay namin sya ni RA kanina sa jeep nung pauwi na kami. Bandang 2pm yun. Papasok ata sya. Dahil di naman sya kilala ni RA, kinuwento ko sa kanya lahat yung mga kalokahan namin nung HS. Eh si RA, todo tingin sa harapan ng jeep. Dun sa may salamin, dun kasi sya nakaupo eh gusto makita ni RA yung mukha nya. Tapos, swak. Nahuli lang naman kaming nakatingin sa kanya! Hahahahahhahahahahhahahhahahaha. 


Dahil napahiya na ako, hinding hindi na ulit ako tumingin sa harapan. Hello? Alam kong kilala nya naman ako eh. Hahaha. So eto yung kakaiba talaga, inadd nya lang naman po ako sa facebook. Ngayong gabi lang. Yes! Hahaha. PBB Teens. :> Nung kausuhan pa ng friendster, alam ko ako yung nag add sa kanya dati eh tas ngayon nagkasabay lang kami sa jeep pinagkahanap nya yung account ko? Ang feelingera ko! Hahaha. Hindi sya basta, hindi sinasadja eh. Feel ko yun. HAHAHA.


Ihhh. Basta! Iba. :>>>> Kdie! Feelingera lang po ako. So ano? Iaccept, hindi? :D