Lunes, Hulyo 30, 2012

#Eh kasi, sanay na ako. :>

"Paasa ka kasi" 
"Ang manhid mo lang"


Ouch lang eh. Hahaha! Wala lang. Nasasanay na kasi ako sa mga salitang yun. HAHA. Hindi ako pa fall, mabilis lang talaga kong mainlove tas nawawala din agad. Sorry naman huh? ;))

Oy, please lang. Kung nagagawi ka pa man sa page 'kong to. Wag ka ng bitter please? Nakakairita na po kasi. :) Alam ko, masyadong madaming pangako yung mga nasabi ko nun, pero basta alam mo na yun. :>  Kfly! :')))

Sabado, Hulyo 21, 2012

#Magulo

Natanong ako out of the blue ng isa sa mga kaibigan ko. Ano nga ba talaga ang gusto ko sa isang guy? Bat nga ba lagi akong parang may hinahanap? Hindi sa hindi ako marunong makontento. Pero may mga bagay pala akong gusto sa isang relationship kaya hindi ako maging masaya talaga.

Ano nga ba yung mga bagay na yun? Simple lang. Naisip ko, gusto kong pumasok sa isang relasyon na maeenjoy lang namin yung bilang kami, as kami. Oo. Magulo. HAHA! Yun bang, hindi namin iisipin agad yung sasabihin ng iba. Yung ieenjoy lang namin yung kung ano bang meron kami. Yung hindi namin pag uusapan yung future ek ek. Yung kung ano bang mangyayari sa relasyon namin.

Oo. Isa lang yun sa mga gusto ko. HAHA! Isa pa lang. :> Pangalawa, gusto ko ng mis matanda sakin. Mis matured. Mga 20-23? Ewan ko, pero sa tingin ko kasi kapag ganun mis maiintindihan nya 'ko. Yung alam na nya kung pano ii handle yung isang relasyon.

Pangatlo, serious relationship. Yung alam both sides ng family&friends kung ano ba yung meron kami. Kung ano ba kami.

Hindi naman ako naghahanap ng perfect relationship. Yung alam ko lang na magiging masaya ako. Go! Oo. Naghahanap ako ng isang prince charming, pero hindi ibig sabihin yun na lang ng yun. Kahit sino kahit ano pang posisyon pa ang meron sya, basta ba masaya ako. Pero sabi ko nga sa mga hinahanap ko, this time, gusto ko na ng... Ewan! Hindi ko talaga alam. Magulo. :|

Basta. Babalitaan kita soon. 

Huwebes, Hulyo 19, 2012

#Some of my favorite Artists. :>

Andrew Garfield

Miley Cyrus

Zac Efron

Emma Stone

Adam Sandler



Aamir Khan

Toni Gonzaga

Yeng Constantino

Julia Montes

Anne Hathway

Marilyn Monroe

Shane West

Mandy Moore

Lee Min Ho


#This. :>

"Hanapin ko lang muna ang sarili ko".
Ang salitang iniiwan ng taong gustong may bakas pa rin sa puso mo. Ang salitang sinasabi ng taong maari kang paasahin sa huli. Sa oras kasi na sinabi nila ang katagang Hahanapin nila ang sarili nila, malaki ang tendency na sa iba na nila makita yon. Pinaka magaan na sabihin ng isang tao kapag ayaw na niya sayo.
Paano nga ba hanapin ang sarili? Sa oras ba na pumasok ka sa relasyon eh nawawala ka talaga sa sarili mo? Ano nga ba yun? May mga oras bang kinukuha natin ang sarili nila at hindi na binabalik ito? O nangyayari ito kapag sinasakal mo na ng husto ang isang tao?
Madalas kapag sinabi ito, medyo tanggapin mo na ang sarili mo na hindi na siya babalik. Madalas, ito lang ang pinaka safe na phrase at magaan na phrase na masasabi niya sayo para hindi ka masyado masaktan. Minsan ang hirap kapag ganun, minsan nakaka konsensya kapag sinabihan kang hahanapin muna nila ang sarili nila. Para bang matatanong mo sa sarili mo kung ano ba ang iyong ginawa. Minsan ganun na lang talaga ang buhay eh.
Minsan kailangan mo na din pala hanapin ang sarili mo.

#This. :>

Paano mo malalaman kung ayaw na sayo ng isang tao?
  • Madalas na itong nagdadahilan para hindi kayo magkita. Kunwari sasabihin niyang may project siya, kunwari busy siya, kunwari pagod siya. Tapos pag-uwi pala maglalaro lang, magpapahinga at mas pipiliin na katext ka na lang.
  • Hindi nagpapa alam at bigla bigla na lang hindi nag rereply.
  • Minsan na lang mag text, hindi na siya yung dati na mahaba lagi ang message sayo. Malamig ang texts. Sobrang tipid.
  • Mas marami ang miss call mo kesa sa receive call.
  • Naghahanap ng dahilan para mag-away palagi na maaring humantong sa break-up.
  • May mga bagay na ginagawa na hindi niya madalas gawin dati.
  • Feeling mo ayaw kang kausap at hindi na malambing sa telepono.
  • Nahuhuli mong busy ang phone.
  • Sobrang taas na ng pride. Parang wala na siyang pakialam sa nararamdaman mo masaktan ka man sa sinasabi niya o hindi.
  • Natitiis niyang mag kaaway kayo ng isang araw. Hahayaan niyang lumipas ito at hindi aayusin. Papaganahin ang pride. Mag susumbatan na maari ring mauwi sa break up kung kayo ay magkarelasyon.
Kung tutuusin napakarami pa. May mga tao na ayaw sila yung makikipag break. Kaya gagawa at gagawa ng paraan para yung partner nila ang makipag break sa kanila.

#This. :>

Bakit daw kelangan mag MOVE ON kung hindi naman kayo?
Minsan nangyayari talaga ito. Kailangan mag move on ng isang tao kahit hindi naman naging sila. Kailangan niya mag move on kasi kailangan niya tanggapin na hindi uubra ang bagay na gusto niya mangyari sa kanilang dalawa? Siguro kailangan din mag move on kasi kung hindi ka mag momove on sa sarili mo at hindi mo tatangapin ang mga nangyayari eh wala kang kalaban laban talaga.
Hindi naman porket sinabing mag MOVE ON eh sa relasyon na agad. Maraming klase ang move on.
  • Move on sa mababang grade na nakuha
  • Move on sa kaibigan na naka away.
  • Move on sa taong minamahal.
  • Move on dahil pinaasa ka lang niya.
  • Move on sa mga negative na nangyari sa buhay mo.
  • Etsetera Etsetera.
Minsan kailangan mo mag move on sa pang sarili mong kagustuhan. Yung kapag hindi na siya pwedeng ipilit eh huwag ng ipilit pa. Kumbaga move on na.

Martes, Hulyo 17, 2012

#K

Ewan ko. Hindi ko alam kung tama ba yung naging desisyon ko. Pero sumuko na ako kay JA. Kung gano ako kadaling na fall sa kanya, ganito ata ako kadaling sumuko. Hindi ko kayang iexplain sa sarili ko, pero alam ko sa sarili ko na ayoko na. Na hindi na ako masaya. Na nawala na yung spark. Its been a week na pinipilit ko syang tama na, ayoko na. Ngayong gabi, pumayag na sya. Ginive-up nya na nga siguro ako. Nandun yung pang hihinayang oo, pero ewan ko. Wala akong maramdaman na sakit. Ang manhid ko ba? :/ Pero totoo. Siguro dahil ang dami dami kong iniisip, dahil masyadong stress sa school. Ewan ko ba. Pero basta basta, nag iba na yung pananaw at gusto kong mangyari samin.


Alam kong malaki yung na sacrifice ko ng dahil sa kanya. Sobrang malaki. Pero wala eh, sa sarili ko iniisip ko, bakit ko ba pag papatuloy yung isang relasyon kung alam mong hindi ka na masaya? Kung ayaw mo na naman talaga?

K. Yun lang yun tanging nasabi ko sa kanya. Oo na! Grabe ako. Alam ko naman yun. Pero, ewan. Sa eto yung nararamdaman ko eh. :|

Lunes, Hulyo 16, 2012

#Walang sukuan 'to, promise.

Alam mo yung wala ng pumasok sa isip mo sa dami ng pinag aaralan? Shit lang eh! Sobrang dyahe. :/
3rd year na ako. Regular. Haha! Dun palang sobrang pasalamat na ako. Hindi lang sa dahil nakakapasok pa ako kundi dahil nakakaya ko pa. Sobrang hirap na, kung alam nyo lang. :| Alam mo yun? Nakakapiga talaga ng utak. Lalo pa talaga ngayon, puro na kami major subjects.

Nakakapaiyak yung mga pinag aaralan. Lalo na sa positioning. Yung kelangan mong sauluhin/alam yung bawat part oh tawag sa buto. Nakaka stress, grabe! :/ Tapos, may ibat iba pang posisyon na tawag bago gawin yung procedure. Alam kong kaya ganito pinag aaralan eh malamang na patungkol yun sa course ko. HAHA! Pero alam mo yung feeling na bibigay kana? -.- Seryosohan! Sabi pa nga nung isang prof namin "Ngayon palang, alamin nyo na kung eto ba yung gusto nyo talaga. Hindi biro yung course na pinasok nyo. Mahirap. Baka kasi, ang gusto nyo pala talaga yung nagtatapon tapon ng bote ( Hahaha! Utas kami dto, promise. ) Pero, worth it naman kung makakatapos kayo. Kung magagawa nyong mag aral at makatapos. Sabi pa ni Mam "The salary of a radtech is equal to the salary of a doctor in foreign countries".  


Marami akong rason kaya gusto kong makatapos. Nakapaka rami. Sinimulan ko na 'to eh. Gano ka man kahirap, kakayanin kita. Pasasaan ba at malalagpasan din kita. Tiis tiis lang. Gano ka man kakomplikadong pag aralan, kakayanin pa din kita. 


Kahit ayaw kita nung una, nagbago ang lahat nung nagawa kong mag expose. Tanggap na kita ng buong buo. Ikaw lang RT. Hahaha! At promise, gano man katagal. Magiging RRT ako. Hindi madali, oo. Pero sinabi ko naman. Kahit dumaan pa ako sa butas ng karayom, kakayanin ko. 

Kakayanin ko lahat. Hindi ako susuko. Pangako. :>

#Bakit kaya? HAHAHA. :>

Wala lang. Napipika lang ako sa kahit anong gawin mo. Alam mo yun? Yung hindi ako makomportable sa sinasabi at ginagawa mo kasi alam mong hindi naman totoo? Feeling ko kasi, nagpapasikat kalang. HAHAHA! Pero hindi ko alam kung bakit palagi nalang. Hindi ako insecure oh kung anong ka bitteran man sayo. Minsan lang, kahit anong pilit mo sa sarili mo. May mga tao talagang di mo kayang pakisamahan kahit pa wala nga silang ginagawa sayo.

Ang labo mang iisipin, pero sa yun yung nararamdaman ko sayo eh. Hahaha! Wala kang paki alam, alam ko. Pero MAS wala akong pakialam. :> Kfly. :"""))

Huwebes, Hulyo 12, 2012

#Thumbs up. :>

C/O
Myrtle.  ;>

#Thoughts

Bakit daw tumitigil magparamdam ang isang lalake sa isang babae after ng rejection?
Malamang, after pumili ng babae na ibang lalake pala ang gusto niya ano aasahan niya? Na same pa rin yung pagpaparamdam ng lalake sa kanya habang siya eh minamahal pa ng iba?
Tipong nagmamahal siya ng ibang lalake, tipong minamahal rin siya nito, tapos ang gusto pa rin niya eh minamahal pa rin siya ng kabila? Tipong may nagmamahal na nga sa kanya, gusto niya may naghahabol pa rin sa kanya?
Hindi na ganung katanga ang kalalakihan para maghabol pa. Dahil ang kalalakihan eh marunong dumistansya kapag alam nilang medyo ginagago na sila. Ayun ang hirap sa iba, sinabi mong ayaw mo na sa kanila pero umaasa ka pa rin na same yung pag trato niya sayo after ng rejection. Ang matindi pa dun, tipong i kwekwento pa nila sa mga kaibigan nila na “Barbero lang naman yun eh, mahal daw ako. Pero sumuko.”
Eh kung hindi ka ba naman ungas na pinili ang ibang nanakit lang sayo tapos sa huli hahabulin mo yung lalakeng nagpaparamdam ng tunay na pagmamahal sayo eh parang unfair naman sa part ng lalake yun.
Napakaraming man haters, pare pareho lang daw ang mga lalaki, lahat manloloko, lahat malalandi, as in literal na nilalahat. Edi tumanda kang dalaga. Napakaraming angal sa buhay, pero hindi man lang nagkaroon ng oras mag reflect sa sarili kung sino ba talaga ang mali o kung saan sila nagkamali.
Hirap sa ibang tao, masabing maganda lang, nakiki mainstream ng trip ng iba eh.

#Friday the 13th

July 13, 2012. Friday the 13th.


Sabi nila, malas daw yung araw na 'to. Sa isip ko, sinimulan ko ng salitang. Shit! Ang malas. Dun ko narealize na oo nga pala, friday the 13th ngayon. Nabiktima ako. :( Pero, nagbago lahat ng paniniwala ko.
Kwento ko na ah. :)


7am ang klase ko. First exposure namin. Dahil maeexperience ko na ang magiging trabaho ko someday sobrang excited akong pumasok. Pero nag iba ang lahat ng maganda kong tulog pag ka gising ko. SHIT! 6.30am na! Shit talaga. Nagising lang ako sa katok ni papa sa bintana ko. Balikawas ako ng gising nun. Pagkalabas ko ng kwarto, bungad ko agad kay mama ang salitang "Bat di mo ako ginising??!" Pihado na, namura ako. Dyahe! :/ Diretcho na agad akong CR. Maliligo na sana ako ng naisip kong di na ako aabot pag nagkataon. So nag hilamos, toothbrush at nagbuhos lang ako ng katawan. Hahaha! Oo. Hindi ako naligo ng pumasok. Wag lang talagang malate. -.- 


Mga 6.40 umalis na agad ako ng bahay. Walang ayos ayos. Sa tricyle na nung hinatid ako ni papa sa kanto. Sa jeep na ako nagsuklay. Haha! Tapos yung nasakyan ko pang jeep, tigil na ng tigil. Malas talaga. 7.10 na nun. Nasa may pahospital na ako. Mejo malapit na ng nakita ko si Sir. Para akong nabunutan ng tinik. Kukunin lang daw nya yung susi sa hospital.


Mga 7.30 ng nag start na din kami. Eto na to. Kami yung unang nag expose. Hindi ko alam yung gagawin ko. Pano to? Sir? Hala, sir. Sir naman eh. Ala, tama ga? Yan lang yung maririnig sakin nung ako na yung mag fa'function nung machine. Hahaha! 


Pero after ng ilang minuto. Taraaaan! Ayos yung gawa ko. Hindi sya hilaw, hindi naman sunog. Tama lang. Yung irit ko hindi mapapantayan. Tuwang tuwa ako. Sobra. Irit lang ako ng irit kasi nagawa ko. Ang sayaaaaa! :) Sulit ang hindi ko panliligo. :>>>


Tapos isa sa mga classmate ko, sabi nya "Ang swerte ng friday the 13th mo."  


Yun, dun ko narealize na. Hala, oo nga. 


Nabago yung pananaw ko kasi para sakin. Hindi malas ang friday the 13th. Minsan, nagkataon lang talaga yan. Nasa isip lang yan ng tao. Tsaka, paniniwala na natin yun eh. Lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari. Nalate ako kanina kasi late na ako natulog. Tigil ng tigil yung jeep kasi gusto nyang maka sakay ng mga pasahero. Pero yung nangyari sakin ngayong araw na 'to? Sa unang pag e'xray ko? Yun. Yun ang Swerte! :D







Right PA Wrist and Lateral 

#Share ko lang. :>

Hahaha! Wala lang. Natutuwa lang ako sa mga nangyayari ngayon. Alam mo yun? 2009 palang kilala ko na si Aztatine. Kaya siguro hindi ko magawang ilet-go sya agad agad. Oo! Agad agad! HAHAHA. Pero ngayon naman, okay na kami. Magkaibigan 'ika nga. Magkaibigang bukal pareho sa aming mga kalooban pagkatapos ng napaka raming issue na nangyari. Sa wakas, okay na kami. :>

Kwento ko lang ah? Alam mo yung feeling na nawala na yung hinanakit/bigat ng loob na tinatago mo sa napaka habang panahon? Wow! Ang tagal ha? Haha. :> Pero, seryoso, nung nabasa ko yan. Dun ko narealize na wala na pala talaga yung mga hinanakit ko sa kanya. Ika nga only time can heal wounds. :> May panahon kasi sa lahat ng bagay. Para sakin, eto na yun. Hindi ko sinasarado yung kwento na meron kami, bagkus pinapalitan ko ng bagong kabanata. :>

First love never dies. Para sakin, totoo din yung kasabihang yun. Napakatagal din ng panahon na pinagsamahan namin. Oo. Si aztatine ang first love ko. First love, first crush, first puppy love. :> Yung age kasi na nakilala ko sya, age lang talaga na nagsisimula yung mga crush crush. Hahaha. Landee eh, pero seryoso. :> Ang kaso lang din, hanggang sa age ng pag mamatured ko nanjan pa din kaya sabi ko naman. Hindi sya madaling ilet-go. Hindi madaling kalimutan. Hindi talaga. Pero, okay na. Okay na kami. :D


Hindi namamatay kasi, nananatili yung nararamdaman. Alam mo kung bakit? Kasi once na minahal mo yung tao ng totoo kahit gano pa kasakit yung ginawa nyan sayo, may maiiwan at maiiwan jang pag mamahal kahit ano pang sabihin mo. Lalo na kung mis madami naman yung saya na nadulot nya sayo kesa sa sakit. Hindi nawawala yung memorya na iniwan nya. Yung ala-ala. Kaya kahit mamatay, sa isip mo, nandun pa din yun.


Ayos, masaya at kontento na kami sa kung anong meron. Salamat po dear god sa bagay na yun. :")

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

True Love only happens once in a lifetime, as they say first love never dies. One could fall in and out of love many times in their lives, but the magic that first love brings will always have a special place in our hearts making it unforgettable and a lifetime memory to cherished for. First love can happen at any age, usually in one's teenage years. The adrenaline rush of first love encounter makes it a memorable and exciting one. Falling in love for the first time means encountering all the ups and downs that goes along with it and the relationship. Later on, these encounters makes us strong as we learn our way on how to be more mature in love and life enabling us to find the perfect match for ourselves. Since first love mostly occurs during our teenage years, not everyone who is our first love will usually end up to be our partner for life, though some are lucky to have their first love as their last love.

#The End








Alvin Garcia Custodio. 

Si EX. Kachat ko kasi sya ngayon. July 12, 2012. Nagaasaran lang kami tas dun sa tawa kong HAHA na chat sa kanya, labas na labas daw sa ilong ang dating. Sabi ko, bakit? Pano mo naman nalaman? Tas tumawag sya bigla. Nasa Qatar yun ah? Parang lagi mo akala eh katabi ko lang ah. HAHAHA! Tapos ayan, dinala na lang ako ng isip ko jan. Ang break-up namin. :) Ang tagal na din pala. Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagawang ii print screen pa, basta gusto ko syang gawin. 

Wala ng something samin. Mabuting magkaibigan kami. Hahaha. Wala na ring ka bitteran. Masaya na lang kami sa kung anong meron kami. Kontento. :> Kaya siguro may lakas na ako ng loob ipakita at sabihin yan. :")


Sabi ko naman, tapos na ang kabanata ng prinsesa at prinsepe. Pero sa huli, may happily ever after pa din sila. Bakit? Kasi naging mabuti silang magkaibigan. :>>


#Sims

Kahit mejo nakakatamad na 'tong laruin, basta wala akong ginagawa. Sige pa din ako dto. :") 
Nakakatuwa lang kasing mag ayos ng bahay. Parang nagpaplano kana din ng mga bagay na magiging gusto mo kung sakaling makakapag patayo ka ng sarili mo. Sarap. :>

Miyerkules, Hulyo 11, 2012

#Anong meron? -.-


Ds past few days, napapansin 'kong lagi nalang akong nag ke'crave sa coffee shake. Ewan ko ba, basta kahit anong shake na kape yung lasa nya. Mag tu2wks na ata din, nagsimula 'to nung nag SB ako mag isa tas nag coffee jelly, tas ayun, bawat labas ko hindi ko maiwasan maghanap ng shake na kape nga. Eh sa SM, nandun yun sa brownies unlimited, sa dunkin donut, SB, tsaka dun sa isa pang kapehan dun. Ang labo! :/

Martes, Hulyo 10, 2012

#All the time

I hate when you're hungry, but you want to go to sleep.

Like, I want to go to sleep, but I can’t go to sleep hungry. And I don’t want to get up out of bed to get food cause I just got comfortable. So conflicting.

Awkward times...

You know when you’re in that kind of place with someone you’re dating for almost 4months, but nothing’s official?

Yeah, well,  I was with the guy with whom I’m in this place with, and got asked by his family if he’s my boyfriend.

Seriously, what are you suppose to say? You don’t want to say yes and have them be like ‘er, no I’m not’. And you don’t want to say no because you really wish they were and/or you don’t want to hurt their feelings.

Ha! Awkward times, awkward times… -.-

I'm so sick of people acting like they are better than someone else.

Why do you pride yourself on making someones life miserable? Is that like an achievement award the offer later in life? How many people felt like they weren’t good enough because of you?

I could never tell someone to take their own lives, I could never say something that I know could possibly destroy a person.

And then to call them soft because they can’t handle it..Everyone’s pain tolerance is different. Some are stronger than others.

I’m like a huge ball of emotion right now. I don’t even know what to do.

Biyernes, Hulyo 06, 2012

matabangutak:

Sulat ka lang ng sulat. Wala ka dapat pakialam kung may nagbabasa o hindi. Ilabas mo ang mga ideyang pumapasok sa isip mo. Sayang naman kung hindi mo isusulat dahil lang sa naiisip mong walang magbabasa nito. Promise meron yan. Believe me :) Wag mo ibase sa likes or notes kung epektib ba ang ginagawa mo. Oo minsan factor yun para malaman mo if may nakaka appreciate. Pero kahit isang tao na may pumansin nito eh malaking achievement na ito syempre. Biruin mo may tao kang napabasa eh sa busy ng mga buhay neto diba? Kaya dapat maging masaya ka sa mga simpleng bagay na nararanasan natin sa blogging platform na ito :)

Opinion ko lang.

It’s been a long week since I have not watched PBB and until now, I dont want. Ive heard and read a lot of comments especially about Myrtle. It’s not my first time to see how people Hate.. How Hate spreads than Love.. Hate than Understanding.. Hate than Kindness.. Hate than everything Nice.. How come this is happening?

Yes, I Like Myrtle. Her Character and Her Attitude that shines brighter than the other Housemates. I do not really know what’s going on now inside the PBBHouse. And how Myrtle handle all the challenges. But many People really Hate Myrtle as if they really know that Girl.

Why do I Like Myrtle?

Though I know a lot of girls and even boys dislike and Hate Myrtle, I’ll still stand to what I believe from the very start. I’ll enumerate what I saw and have seen about Myrtle.

·         She has that Brain that thinks and not just a display to say that she’s a Human Being.
·         Her Brain works and thinks MOST OF THE TIME right.
·         She do what she said.
·         She never hide her Happiness in Cosplaying.
·         She expressed the way she will be Happy.
·         She has that Attitude of a Leader.
·         She knows how to Understand. She has Patience. Kindness and Generous.
As a Girl she knows where to put her self in a Relationship.

Nyaaa! :D For short She has something that everyone dont have and all of us have that something too. That Uniqueness Inside of us. Now, I dont want to argue with some Haters of Her. I just want you guys to Understand why you should not Hate.

First, Why Hate? Do you know Her? You only watched her actions in TV and not able to talk or even see her personally. So why Hate? Just because of the things you dont want? But you dont even look at mirror and ask yourself if you’re perfect and you have the RIGHT TO JUDGE AND HATE? Just so you know guys, You’re the one’s that looks PITIFUL and NOT  Myrtle. Why? Because you keep on pulling down Myrtle the fact that She dont even know You.

Second, Will Hating can make you Rich? :D Famous? Happy? Can it be something that would enhance inside of you? :D Funny right? You cant benefit ANYTHING in HATING. That’s a Fact. You will just get angry everytime you see Her. Right? You will just get Ugly everytime you’re angry. Right? So why Hate? Common People, come to think of it. =)

Third, each of us has negative Character and Attitude. We might knew it or not we all have. So how our Friends be our Friends? It’s because they UNDERSTAND YOU despite of that Attitude. Can we all understand? Not just to Myrtle but also to other Housemates. I hate Karen before, but when I realize all of these,I Stop and tries to UNDERSTAND HER. =) And yes, I see that positive side of her though she has flaws and insecurities.

UNDERSTANDING is the Best Character a Person can Have. :)

Martes, Hulyo 03, 2012

Ama. :"(

Sila: Sobra kang naapektuhan sa pagkawala ng lolo mo no?

Nung sinabi nila yun, napaisip ako. Bakit nga ba? Oo. Dahil lolo ko sya, pero sa sarili ko may isang mabigat na dahilan kaya umiyak ako ng sobra, Si Ama? Kasama ko na sya simula bata pa lang ako, masasabi kong lumaki kami ng kapatid ko kasama ang mga grandparents namin. Bata palang kami, sa bahay na kami ng mga Ama nakatira, wala pa atang dalawang taon ng lumipat kami sa sarili naming bahay pero kinuha din namin si Ama. Nasanay na kaming sa maghapon na may isang ama na mangungulit at magpapangaral samin. Si kuya ang favorite nya, alam ko yun. Pero ni minsan, hindi ako isinantabi ng ama. Lagi nya kong pinagsasabihan. Magaaral daw ako ng mabuti. Tulungan ko daw ang mama ko. Wag daw akong burara at tamad at napakadami pa basta magkausap kami.


87y/o ng kinuha sya samin ni Dear God. Masakit. Sobrang sakit sa pakiramdam. Bakit? Gigising at tutulog ako na nakikita at naririnig ko si ama nung nabubuhay pa sya. Kapag umaalis sina mama, nagkakataong kami lang dalawa ang tao sa bahay. Ako ang magpapakain sa kanya. Kapag nagpapadala si mina hindi sya nakakalimot na abutan kami kahit hindi nya alam na binabalik namin yun ni kuya kay mama para ipambili ng gamot nya. Kapag nanalo sya sa jueteng inaabutan nya agad kami. Pero hindi lang naman yun dahil dun eh, namimiss ko si ama bilang sya. Yung kasama na namin sa maghapon. Yung mangungulit at magpapakwento tuwing nakatambay kami sa terrace. Yung masaya na kahit pasalubungan sa halagang 50p. Yung mangangatok ng pinto sa madaling araw kasi may sasabihin oh di kaya mag papausok. Yung magpapabili ng sprite tuwing hapon.


Bago sya samin kinuha ni dear god, normal lang para sakin yung mga araw, oo alam ko na nahihirapan na sya kasi makikita mo talaga yun sa kanya, pero yung kukunin na pala sya? Masakit kasi biglang bigla. Kasi wala kang kaalam alam :'( Kasi akala mo normal na araw lang yung pagtambay at pag iikot nya sa labas. 


June 23, 2012 nung tuluyan na syang binawi ni god. Hinding hindi mawawala sa isip ko ng hapon na yun mag kakausap pa kami. Lumabas lang ako saglit nun sa kwarto ko para kumain, naguusap sila ni mama. Pagkakain, pumasok na ako ng kwarto ko. Hinding hindi mawawala sa isip ko yung mga tingin ng ama, malalim. Hindi ko alam, huli na pala yun. :( Isang oras ang nagdaan, hagulhol ng mama at pinsan ko yung nagpabalik sa katinuan ko sa pagbabasa. Isang napakalas na sigaw ng mama ko sa pangalan ko. Wala na si ama. Ang sakit. Sobrang sakit. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pag lapit ko kay ama, kusa ng pumatak ang mga luha ko. Walang tigil. Ama... yun lang yung mga salitang nabibitawan ko. :"(


Hindi madali sa pakiramdam. Bakit? 18years. 18years ng kasama namin si Ama, pero sa isang iglap, wala na sya. :"( Hindi madali. Mahirap. Masakit. 


Pero isang bagay lang ang nakakasigurado ako, hindig hindi mawawala sa puso't isipan ko si Ina at Ama. Malaki yung pasasalamat namin ni mama sa kanila. Sobrang malaking pasasalamat.

Ngayon, maluwag na naman sa pakiramdam ko na wala na talaga si Ama, alam ko sa sarili namin ng pamilya ko na hindi kami nagkulang sa kanya. Mahirap. Mahirap ding mag intindi sa isang tumatanda na pero wala akong pinagsisisihan, oo may mga times na nakakapika na yung kakulitan ni Ama, pero walang makakapantay ng kahit na anong halaga yung pagmamahal at respeto na binigay namin sa kanya. Bukal at masaya kami dun. Mahal kita, Ama. Mananatili ka sa puso ko.