Alam mo yung wala ng pumasok sa isip mo sa dami ng pinag aaralan? Shit lang eh! Sobrang dyahe. :/
3rd year na ako. Regular. Haha! Dun palang sobrang pasalamat na ako. Hindi lang sa dahil nakakapasok pa ako kundi dahil nakakaya ko pa. Sobrang hirap na, kung alam nyo lang. :| Alam mo yun? Nakakapiga talaga ng utak. Lalo pa talaga ngayon, puro na kami major subjects.
Nakakapaiyak yung mga pinag aaralan. Lalo na sa positioning. Yung kelangan mong sauluhin/alam yung bawat part oh tawag sa buto. Nakaka stress, grabe! :/ Tapos, may ibat iba pang posisyon na tawag bago gawin yung procedure. Alam kong kaya ganito pinag aaralan eh malamang na patungkol yun sa course ko. HAHA! Pero alam mo yung feeling na bibigay kana? -.- Seryosohan! Sabi pa nga nung isang prof namin "Ngayon palang, alamin nyo na kung eto ba yung gusto nyo talaga. Hindi biro yung course na pinasok nyo. Mahirap. Baka kasi, ang gusto nyo pala talaga yung nagtatapon tapon ng bote ( Hahaha! Utas kami dto, promise. ) Pero, worth it naman kung makakatapos kayo. Kung magagawa nyong mag aral at makatapos. Sabi pa ni Mam "The salary of a radtech is equal to the salary of a doctor in foreign countries".
Marami akong rason kaya gusto kong makatapos. Nakapaka rami. Sinimulan ko na 'to eh. Gano ka man kahirap, kakayanin kita. Pasasaan ba at malalagpasan din kita. Tiis tiis lang. Gano ka man kakomplikadong pag aralan, kakayanin pa din kita.
Kahit ayaw kita nung una, nagbago ang lahat nung nagawa kong mag expose. Tanggap na kita ng buong buo. Ikaw lang RT. Hahaha! At promise, gano man katagal. Magiging RRT ako. Hindi madali, oo. Pero sinabi ko naman. Kahit dumaan pa ako sa butas ng karayom, kakayanin ko.
Kakayanin ko lahat. Hindi ako susuko. Pangako. :>