Huwebes, Hulyo 12, 2012

#Thoughts

Bakit daw tumitigil magparamdam ang isang lalake sa isang babae after ng rejection?
Malamang, after pumili ng babae na ibang lalake pala ang gusto niya ano aasahan niya? Na same pa rin yung pagpaparamdam ng lalake sa kanya habang siya eh minamahal pa ng iba?
Tipong nagmamahal siya ng ibang lalake, tipong minamahal rin siya nito, tapos ang gusto pa rin niya eh minamahal pa rin siya ng kabila? Tipong may nagmamahal na nga sa kanya, gusto niya may naghahabol pa rin sa kanya?
Hindi na ganung katanga ang kalalakihan para maghabol pa. Dahil ang kalalakihan eh marunong dumistansya kapag alam nilang medyo ginagago na sila. Ayun ang hirap sa iba, sinabi mong ayaw mo na sa kanila pero umaasa ka pa rin na same yung pag trato niya sayo after ng rejection. Ang matindi pa dun, tipong i kwekwento pa nila sa mga kaibigan nila na “Barbero lang naman yun eh, mahal daw ako. Pero sumuko.”
Eh kung hindi ka ba naman ungas na pinili ang ibang nanakit lang sayo tapos sa huli hahabulin mo yung lalakeng nagpaparamdam ng tunay na pagmamahal sayo eh parang unfair naman sa part ng lalake yun.
Napakaraming man haters, pare pareho lang daw ang mga lalaki, lahat manloloko, lahat malalandi, as in literal na nilalahat. Edi tumanda kang dalaga. Napakaraming angal sa buhay, pero hindi man lang nagkaroon ng oras mag reflect sa sarili kung sino ba talaga ang mali o kung saan sila nagkamali.
Hirap sa ibang tao, masabing maganda lang, nakiki mainstream ng trip ng iba eh.