Martes, Hulyo 03, 2012

Ama. :"(

Sila: Sobra kang naapektuhan sa pagkawala ng lolo mo no?

Nung sinabi nila yun, napaisip ako. Bakit nga ba? Oo. Dahil lolo ko sya, pero sa sarili ko may isang mabigat na dahilan kaya umiyak ako ng sobra, Si Ama? Kasama ko na sya simula bata pa lang ako, masasabi kong lumaki kami ng kapatid ko kasama ang mga grandparents namin. Bata palang kami, sa bahay na kami ng mga Ama nakatira, wala pa atang dalawang taon ng lumipat kami sa sarili naming bahay pero kinuha din namin si Ama. Nasanay na kaming sa maghapon na may isang ama na mangungulit at magpapangaral samin. Si kuya ang favorite nya, alam ko yun. Pero ni minsan, hindi ako isinantabi ng ama. Lagi nya kong pinagsasabihan. Magaaral daw ako ng mabuti. Tulungan ko daw ang mama ko. Wag daw akong burara at tamad at napakadami pa basta magkausap kami.


87y/o ng kinuha sya samin ni Dear God. Masakit. Sobrang sakit sa pakiramdam. Bakit? Gigising at tutulog ako na nakikita at naririnig ko si ama nung nabubuhay pa sya. Kapag umaalis sina mama, nagkakataong kami lang dalawa ang tao sa bahay. Ako ang magpapakain sa kanya. Kapag nagpapadala si mina hindi sya nakakalimot na abutan kami kahit hindi nya alam na binabalik namin yun ni kuya kay mama para ipambili ng gamot nya. Kapag nanalo sya sa jueteng inaabutan nya agad kami. Pero hindi lang naman yun dahil dun eh, namimiss ko si ama bilang sya. Yung kasama na namin sa maghapon. Yung mangungulit at magpapakwento tuwing nakatambay kami sa terrace. Yung masaya na kahit pasalubungan sa halagang 50p. Yung mangangatok ng pinto sa madaling araw kasi may sasabihin oh di kaya mag papausok. Yung magpapabili ng sprite tuwing hapon.


Bago sya samin kinuha ni dear god, normal lang para sakin yung mga araw, oo alam ko na nahihirapan na sya kasi makikita mo talaga yun sa kanya, pero yung kukunin na pala sya? Masakit kasi biglang bigla. Kasi wala kang kaalam alam :'( Kasi akala mo normal na araw lang yung pagtambay at pag iikot nya sa labas. 


June 23, 2012 nung tuluyan na syang binawi ni god. Hinding hindi mawawala sa isip ko ng hapon na yun mag kakausap pa kami. Lumabas lang ako saglit nun sa kwarto ko para kumain, naguusap sila ni mama. Pagkakain, pumasok na ako ng kwarto ko. Hinding hindi mawawala sa isip ko yung mga tingin ng ama, malalim. Hindi ko alam, huli na pala yun. :( Isang oras ang nagdaan, hagulhol ng mama at pinsan ko yung nagpabalik sa katinuan ko sa pagbabasa. Isang napakalas na sigaw ng mama ko sa pangalan ko. Wala na si ama. Ang sakit. Sobrang sakit. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pag lapit ko kay ama, kusa ng pumatak ang mga luha ko. Walang tigil. Ama... yun lang yung mga salitang nabibitawan ko. :"(


Hindi madali sa pakiramdam. Bakit? 18years. 18years ng kasama namin si Ama, pero sa isang iglap, wala na sya. :"( Hindi madali. Mahirap. Masakit. 


Pero isang bagay lang ang nakakasigurado ako, hindig hindi mawawala sa puso't isipan ko si Ina at Ama. Malaki yung pasasalamat namin ni mama sa kanila. Sobrang malaking pasasalamat.

Ngayon, maluwag na naman sa pakiramdam ko na wala na talaga si Ama, alam ko sa sarili namin ng pamilya ko na hindi kami nagkulang sa kanya. Mahirap. Mahirap ding mag intindi sa isang tumatanda na pero wala akong pinagsisisihan, oo may mga times na nakakapika na yung kakulitan ni Ama, pero walang makakapantay ng kahit na anong halaga yung pagmamahal at respeto na binigay namin sa kanya. Bukal at masaya kami dun. Mahal kita, Ama. Mananatili ka sa puso ko.