Linggo, Abril 29, 2012


Great friendship is a hard thing to come by in this world and should be something that should be held on dearly to when it is found. A great friendship is defined as a friendship between two people that can never be broken, and that will never be dishonored or disavowed for any reason. Great friends treat each other with the utmost respect, and are able to laugh together, cry together, and be there for one another when either side needs a shoulder to lean on. A great friend will never forsake the other, and a great friend will never make someone less of a person than were before, but will instead help make their friend the best person that they can possibly become. A great friendship is one without judgment, one with the acceptance of who a person really is, and one with an undying trust to the very end.

Ang saya lang Blogger. Walang sawang Overnight na. Bakasyon kasi kaya kasama ko ang mga Bestfriend ng buhay ko. :)))


5days&4nights din nagstay samin si Bix. Ang saya. HAHAHA. Tapos bawi bawi, ako naman sa kanila.

4days&3nights naman. Iiiih. :>


Tapos, ayun. Nagsunod sunod na. Tatambay magdamag. Halos araw araw. Hanggang nag swimming nung April 22 ( Overnight na naman ) nag Birthday si Bix ng April 24 ( As usual Overnight. Haha! ) tapos mga lakad na maghapon lang. Hihi. Sayaaaa. :"> 



Tapos lalong d'best tong ngayon. Nagkayayaan na mamiesta sa Pinamucan. Go. 1 hanggang 6pm kami dun. Pauwi, nagkayayaan na Overnight na naman kina Mich. Go. Punta sa bahay, kuha ng gamit. Otw kina Bix, sabi kina Acuzar nalang daw. Go pa din. Hangsaya. Grabe! Tambay 7/11.  Tas eto ng nga ang Overnight na naman. Hey, 4.51am na po. Malakas pa. :">


Ang SAYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. =))))))))))


Sabado, Abril 28, 2012

Ahhhhhhhhhhhhh! AHHHHHHHHHHHHHHHH. Ahhhhhhhhhhhhh. at isa pang sigaw. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! -_____-

Eksaherada lang ako. Blogger, may gusto lang akong sabihin sayo. Ah, eh. Aalis na sya. For real. 
Sinong sya? Si EX. Hehe. Ang bitter ko ba? Ewan ko Pero bigla bigla ko nalang ulit sya naalala. :/// Wala ng feelings. K? Pero may isa lang akong gustong mangyari. 

GUSTO KO SYANG MAKITA BAGO SYA UMALIS

Ewan ko ba. Pero simula nung sabihin sakin ng kapatid nya na paalisin na nga daw sya, bigla ko nalang ulit sya naisip. Ulit. :| Ngayon na lang naman ulit kung tutuusin. HAHAHA. HAHAHA. HAHAHA. Ba yan! -___-

Paibang bansa lang naman po sya. Haha! Pero alam ko matatagalan na bago ko sya hindi talaga makita. X) Hindi ko na naman sya talaga nakikita eh, pero ewan ko ba, talagang nag ke'crave ako na makita sya muna bago sya umalis. 

Ano ba. Ano ba. Ano ba. Hindi naman to issue. K? 

SMILE muna tayo. :D

Linggo, Abril 15, 2012

Hi Bloggers! =)))

Naisip ko lang, ang tagal tagal na pala buhat nung huling sulat 'ko sayo. Wag kang magseselos kay Tumblr ha? Nag eenjoy ako dun, pero mas love pa din kita. :P Seryoso. :)

Uhm, wala lang. Hahaha. Mag eemote lang ako ng konti. Pwede ba yun? Sinisipag lang ako magsulat. =)))
Ngayon ngayon lang, naka tanggap na naman ako ng salitang "Ang choosy mo kasi, ang manhid mo pa"!  Ouch ha. Sapakin ko kaya sila? Hahaha. Anyway, hindi naman eh. Hindi ako manhid, ayy sige na konte. Konti lang naman eh. :'> Hahaha. Pero hindi ako choosy! -____- K. Slight. HAHAHA.

So, kwento nko ha? :D Lagi nalang akong tinatanong ng mga tita ohh barkada ko. "May boyfriend ka na ba"? syempre dahil wala sasabihin kong wala. Hahaha. Alangan namang mag panggap ako na may imaginary Boyfriend ako no. Nakakahiya yun. Haha! Tapos sila, hihirit ng "Ang yabang mo ga" ohh di kaya "Sus, maniwala sayo" tapos ako sa isip isip ko. Ayy bawal maging Single? Hahaha. Sa tingin nyo kagustuhan ko din? HAHAHA. -_-

Di naman talaga ko choosy eh, dko pa lang talaga nakikita yung perfect guy para sakin. Oooops. Hindi naman ako naghahanap ng perfect eh, isang tao lang na kaya kong intindihin sa lahat ng bagay. Isang taong kayang sakyan lahat ng kabaliwan ko sa buhay. =)))) Naks lang! :D

Hindi, seryoso. Yun lang naman eh. Katulad lang din ako ng napaka raming kababaihan na nangangarap na matawag na prinsesa ng mga prinsipe nila, ipakilala ng pormal sa magulang. Respetuhin, tanggapin, mahalin. =))


Ang sarap isipin, pero hindi rin naman yun ganun kadali! :| Sabi ng mga tita ko, dadating din yan. Sa isip isip ko. Oo, siguro. 18 palang naman ako no. Hahaha. Di naman po siguro ako tatandang dalaga. Haha! Pero, dahil teenager ako nangangarap din naman ako tulad ng mga mag BF-GF na nakikita ko. Yung parang ang perfect na nila. Yung feeling mo, sila na talaga. :">

Madami, napaka daming bagay ang naglalaro sa isipan ko. Tsaka, gusto kong magka Boyfriend kasi gusto kong maramadaman kung pano magmaghal ng totoo, gusto kong maramdaman kung pano mahalin hindi para mapalitan lang yung Status ko.

Bastaaaaa! Hahaha. Ayan, bigla bigla nag daydream na naman ako. Tsaka nalang ulit. Kbye! :)

Sabado, Marso 24, 2012


https://www.facebook.com/photo.php?v=257017734326939&set=o.146968195359774&type=3

Nanay, nanay. Bakit ka ganyan?

Lahat ng tao may nanay. Malamang! Hahaha. Pero, hindi lahat ng taong may nanay, nanay ang dating.
May iba’t iba kasing klase ng nanay. Nanay na ganyan at nanay na ganito.
Ngayon, sa nanay na gusto kong pagusapan eh ang klase nang nanay na matapobre, perfectionist, akala mo kung sino. :”>

Hindi perpekto ang nanay ko, ang Mama ko. Pero alam mo kung may isang bagay na dapat akong ipagka proud sa kanya? Hindi sya matapobre, hindi sya perfectionist at lalong hindi sya AKALA mo kung SINO.

Nasasabi ko to, kasi naglipana na sa isipan ko yung mga nanay na bakit ganyan/bakit ganito?

Si nanay no.1 Actually, nanay sya ng EX ko.  Masyadong PERFECTIONIST. Masyadong AKALA MO KUNG SINO. Masyadong MATAPOBRE. Kabastusan mang isipin to, pero TOTOO. Bakit? Sige nga, itanong mo sa sarili mo IKAW NA ANG MANGHUSGA NANG IBA. Ikaw na ang magkalat ng CHISMIS na sa una palang wala namang kasiguraduhan, IKAW na ang mang MATA ng TAO. OO. Siguro nga, yung nararapat lang at D’best lang sa anak nya yung gusto nya. Pero sa ginagawa nya? Nakakaawang isipin yung anak nya. Kasi sa una palang dapat ang tinatanung nya, PERFECT BA YUNG ANAK nya AT NAGUSTUHAN SYA? HINDI DIBA? Wait! Hindi ako yan ha? Hahaha. Kasi bago pa ako mag kaganyan, hindi na ko aabot sa puntong yan. Sabi nga ni Mama “Wag na wag mong pag pipilitan ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo”

Naging barkada ko din yung bagong Girlfriend ng EX ko pagkatapos nun. Hahaha. Umiyak sya sa harap ko at humingi ng Sorry sa lahat ng nagawa nya. Pagkatapos ng issue at nung naging komportable kami sa 1sat Isa. Nasasabi nya na sakin yung mga bagay na yan. At isa lang yung alam ko, hanga ako sa kanya. Kasi kahit ilang beses syang apakan ng pamilya nung lalaki, nananatili syang MATATAG at hindi nagpapaapekto. Sa huli naman kasi, sarili mo pa din yung nakakakilala sayo.

Pangalawa, si Nanay No. 2. Kwento lang to nang Mama ko. Si Nanay na ‘to, may anak. Si anak, nabuntis. Yung nakabuntis, ayaw ni Nanay. Hindi na naman to naiiba sa panahon ngayon, sobrang daming ganitong Issue. Pero sa tingin ko, mis malala to. Kasi etong si Nanay, till death ang pangako sa sarili na ayaw nya si Boy. Na nag attempt na ipalaglag si Baby para lang tapos. Na ayaw ipalabas sa lahat yung issue na to. Na ayaw samahan mag pacheckup si Anak. Isang dahilan yung pumasok sa isip ko kung bat ayaw nya si boy, kasi mahirap si boy, kasi hindi nakatapos si boy, kasi hindi solusyon yung pag mahal mo ang isang tao go na, kasi kung nanjan na, pananagutan na. Malaki yung Respeto ko sa pananaw nya, kasi tama naman. Kasi, nung dalaga si girl, bigay luho sya, kasi pinagtapos sya, kasi ginagawa lahat sa kanya. Tapos ganyan nga lang? Leche talaga ang Love!

Pero sana, hindi pa huli ang lahat. Sana Nanay no.2 matauhan ka na, at tanggapin nalang na nanjan na yan tulad nang mga nangyayari sa iba.

At ang huli si Nanay No.3. Sobrang malapit sakin si Anak kasi barkada ko sya. Pero yung nanay nya? Hoooooo! Madaming kaso nto eh, yung akala mo napaka ginto/bait nung anak nya? Maloko ako, oo pero open ako sa mama ko. Hindi katulad ng anak na to. Hindi ko alam kung nag paplastikan sila ng nanay nya. Hindi ko alam kung alam ni nanay yung mga pinag gagagawa ng anak nya. Bakit? Kasi ang alam nya sa anak nya eh porselana, ayon pala basag na. -____- Hindi ko naman sya jinujudge eh, alam ko yun sa sarili ko. Ang ayoko lang talaga yung ugali ni nanay, ibang klase kasi maka pang mataas, yung proud na proud sa sarili at anak nya eh hindi naman nya alam pinag gagagawa nang anak nya?

Ewan ko! Sabi ng mama ko, masama ang manghusga. Baka daw kasi makabalik samin/sakin. Sa kaso ko, hindi ako nanghuhusga. Naguguluhan ako dahil sa mga ugali na pinapakita nila, ngayon iiwan ko yung salitang ‘to. “Please lang, bago naman kayo manduro/pumuna ng iba, eh ii BIG CHECK nyo nga yung mga sarli nyo. Parepareho lang tayo tao na tinatawag ni kalikasan at iisang amoy lang yung naamoy – Mabaho.”