Biyernes, Hunyo 15, 2012

This. :"")))

Ung Lalaking Mgpapatunay Na Hindi Lahat Ng Lalaki Parepareho

lahat ng babae siguro ngayon, nangangarap na ng perfect relationship, ng taong makakapagpakita sakanila kung pano talaga magmahal. Siguro kasi, sa mga panahon ngayon, bibihira nalang yung mga taong nagseseryoso sa mga relationship. Bakit kaya? Bat pa tayo pumapasok sa relationship kung di rin naman pala natin kayang panindigan? Kaya siguro nakakapagod rin magmahal minsan eh, kasi yung pagmamahal na pinapangako ng isang tao, minsan, di napapatunayan pero pano kung dumating ung taong mgpapatunay at babaguhin lahat ng paniniwala mo. matatakot ka parin bang mgmahal tulad ng takot na ginawa sa mga nakaraan? hindi lahat may parehong pananaw sa pg mamahal may mga taong sadyang patago at hindi mo malalaman na gusto ka nila hanggat d nila sinasabi sayo.

Nakasanayan na ng halos lahat. na pag pumasok ka sa isang relasyon. ang kababagsakan mo. bigo, masasaktan , iiyak. pero sana malaman mo na normal yan pg nagmamahal wag kang mghangad ng isang perpektong relasyon kasi walang taong perpekto at lalong walang taong hindi marunong mgkamali. Minsan naisip bakit kailangan nating husgahan agad ung mga taong gusto tayong mahalin. bakit hindi muna natin kilalanin ng husto bago tayo matakot sa kng ano man pwedeng mangyari. Pano mo malalaman kung anong resulta kung habangbuhay ka nalang matatakot alamin ang mga bagay na dapat mong malaman. sa panahon ngayon kailangan mong mging matapang kung gusto mong makahanap ng isang maayos na relasyon.

Oo,hindi lahat naipapakita kung pano tlga mgmahal o mahalin, hindi rin lahat ng seseryoso sa mga relasyon. pero papano kung ung taong nakilala mo,sya ung taong iba sa inaakala mo. na patutunayan sayong mali ka sa akala mo. na may taong kaya kang seryosohin maging sino at ano ka man . 

Dapat mong maunawaan na hindi lahat ng pangako ay natutupad. dapat mong maintindihan na may mga bagay na hindi na napapanindigan dahil hindi mo nararamdaman. mga pgkakataon na ssbhin mong d namin kayang panindigan pero ang totoo, pinakita na namin ng sobra hanggang sa pinaka simplengparaan pero sadyang ngpakamanhid ka dahil ang gusto isang perperktong pgsasama.

Hindi lahat ng lalaki lolokohin ka, tulad ko naghahanap kami ng tunay na pgmamahal. kung pwede lang hindi namin sabihin sa taong mahal namin ung nararamdaman bkt hindi. takot kasi kaming layuan pg nalaman nila ang dahilan. tao rin kaming nasasaktan, nasasaktan sa mga bagay na hinuhusga kahit dpa kilala. Hindi man namin magawa lahat ngbagay na pinangako. atleast sinubukan namin sa paraang alam namin. Hindi lahat ng lalaki bobolahin ka. may mga salitang nasasabi na sadyang un ang nararamdaman nila. wag mo pangunahan ng mga bagay na negtibo. kasi pano mo malalamang totoo kung di mo susubukang paniwalaan.

Hayaan niyo lang kaming mahalin kayo. hindi naman kami ng hahangad ng mga bagay na hindi niyo kayang ibigay. at lalong hindi rin kami humihingi ng mga bagay na imposibleng ibigay. ang selos, isang kaparehong salita lang yan na gusto ko ako lang. kaya wag kayo mainis kung mabilis kami mgselos. pgpapakita lang un na tunay ung nararamdaman namin at walang halong lokohan.

May Taong makikilala ka na ibibigay ang lahat.kayang tiisin lahat. kahit mghirap man o sya o kung ano pa man. mga bagay na hindi niya katatakutan kahit hindi niya alam kung anong kalalabasan. hindi man dumating sayo ngayon. siguradong darating din un sa takdang panahon. pero sana wag kang matakot na mgmahal. wag kang matakot na mahalin ulit sa kabila ng iniisip mong masasaktan ka. kasi hindi mo malalaman ang tunay na pagmamahal kung pigil ka at takot masaktan ng sino man.
(Source: jewnflshct)