Martes, Hunyo 04, 2013

Nagbabago nga pala ang tao..

Nagbabago nga pala ang tao…

Nakakalungkot lang isipin na yung dating samahan na walang ibang alam kundi ang magsaya e ngayon ay watak watak na. Dating samahan na kung saan mag punta yung isa ay kasunod lahat. Dating samahan na desisyon ng isa, desisyon ng nakakarami. Dating samahan na nagkakasundo sa lahat ng bagay. Dating samahan na kontento, Masaya, at walang ibang alam kundi ang magsama sama para bumuo ng isang magandang barkadahan. L

Lumipas ang araw, bwan at taon. Hindi ko namalayan na yung barkadahang akala ko pang habang panahon ay unti unti na palang nawawala. Tuluyan ng nilamon ng panahon, ng oras at ng bawat pangyayari na nagaganap sa bawat isa sa amin. Huli na nung nalaman kong kakaunti nalang pala kaming kumakapit at naniniwala sa barkadahang binuo namin apat na taon na ang nakakalipas at ang mas masakit ang pitong taon pang pinagsamahan ng ilan sa amin.

Sinabi ko sa sarili kong pagsubok lamang ito. Hindi lang isang beses kundi paulit-ulit pero ganun pala talaga yun, isang araw magigising kana lang na kelangan mo ng tanggapin ang katotohanan. Katotohanan na yung taong kilalang kilala mo noon ay parang bigla nalang magiging isang estranghero sa buhay mo.  Hindi mo mamamalayan na hindi na pala sila yung tulad ng dati na kontento na kahit kayo kayo-kayo lang sapat na.

Sa pagdaan ng araw, mas maraming tao ang makakasalamuha natin, mas maraming samahan ang mabubuo, mas maraming pangyayari ang magaganap at kahit hindi natin gustuhin mababalewala’t mababalewa lang dating nakahiligan. Mas gugustuhin  kung ano ba yung nanjan, mas susubukan kung ano ba yung bago at kahit hindi natin sinasadya oh gustuhin man, sadyang mawawalan ng saysay ang dating kasiyahan.


Minsang may nakapag tanong sakin “Bakit ikaw? Bakit ayaw mo pang magbago sa kanila kung lahat sila nag iba na?” Matagal yung tumatak sa isip ko. Hindi nya alam ilang beses ko ng sinubukan, ilang beses ko ng ginusto at pinilit na mawala nalang sila sa memorya ko tulad ng pag alis nila sa akin at sa samahang meron kami. Pero tulad ng pagsubok sa isang bagay na sa simula palang alam mong imposible na, mabibigo lang. Tama. Laging bigo. Hindi ko nga siguro kaya. Masyadong malalim yung sayang iniwan nila sa puso ko. Sa memorya ko. Sa loob ng napakaraming taon, nakontento ako sa kung ano lang yung meron kami. Hindi ako naghanap ng iba pa, naniwala ako na panghabang buhay ang pagkakaibigan namin. Naniwala ako na hanggang gumagawa naman ako ng paraan para magkasama sama kami ay mananatili ang lahat pero hindi pala ganun kasimplle yun. Nagkamali ako. Nagbabago nga ang tao. Nagbabago ang nakakahiligan natin, nagbabago ang pananaw sa buhay. Nagbabago ang lahat. Ang oras, ang panahon at mismong tayong mga tao.At kung may isang bagay man ang hindi kelanman magbabago yun ay ang ala-alang iniwan satin ng mga taong yun.