Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay’ saya.
Laging may hawak-hawak na gitara, konting udyok lamang kakanta na.
Kay simple lamang ng buhay ‘noon, walang mabibigat na suliranin.
Problema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon.♫
Apat na taon. Apat na taon na din pala since nakilala ko sila. Ang mga kaibigan ko. Ang pangalawang pamilya ko. Ang Minotaur. :')
Si Bix, Mamhe, Arvin, Popoy, Chad, Ken, Pot, Marasigan, Kakaru, Pandet, Bee, MM, Shiela, Dudas, Morane, Te Axa, Jhona, Ariane, Kuya Kim, Kuya Borreros.
Sa loob ng apat na taon? Marami ng nagbago. Napakadami na. Ako na nga lang ata yung stranded samin e. Hehe. Ewan ko ba, once kasi na pinahalagahan ko yung isang tao kahit anong mangyari hindi na yun maalis sakin. Kwento ko lang sila ah? Miss na miss ko na e. Sobra. ;")
Nagsimula ang lahat nung nabuo ang grupong Minotaur. Ang section ko nung 4thyr HS. Sa 20 na nabanggit ko, si bix ang pinaka matagal ko ng kilala. Since 1st yr kasi, kaklase ko na sya. Sina mamhe, arvin, ken, chad, dada naman eh mga transferee, yung iba, napalipat sa section namin. Hindi kami Star Section, sa katunayan, kami yung section na kinakabwisitan lahat ng professor, nasa grupo ko yung pinaka magugulo, pinakamaiingay. :) Nauso nun sa school yung kapag mababa ang grades mo, dapat nasa Section-B ka. Sa katunayan, pasok naman yung grades ko sa star section, pero dahil since 1sy year, sila bix na ang kasama ko, nakiusap ako na wag ng ilipat pa. Si mamhe, pinili nyang samin mapunta kahit mataas talaga yung grades nya.
Nagsimula kami ng masaya, yung walang pangalan na kung anong nabuo di tulad ng iba, basta Minotaur. Basta kami ang Original Minotaur. :)
Kaming dalawang'pu kasama ang nag iisang tyumaga saming guro. :')
Ordinaryong samahan lang ang meron kami, oo at paminsan minsan nag aaway away din. May mga bagay na di napapagkasunduan, pero nagsimula kaming masaya. Nagsimula kami bilang kami, bilang isang ordinaryong estydyante. Ayy, hindi nga pala kami ordinaryo. :P
♫Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon.Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon.
Sa unang ligaw kayo’y magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
Nagkawatakan na sa kolehiyo, kanya-kanya na ang lakaran.
Kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga’y hindi nawala.
At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating iskwela’y meron’ ding naiwan.
Meron’ pa ngang mga ilang nawala na lang,
Nakaka miss ang dating samahan.♫
Pero tulad ng sinasabi ng lahat, walang permanente sa mundo. Maraming nagbago, may umalis, may nag iba ng landas. :)
Dumating ang kolehiyo, iilan na kaming naiwan, iilan din ang naging matatag. Si bix, arvin, mamhe, chad, popoy, ken, dada, pot, pandet marasigan at kakaru ang nanatiling nasa tabi ng isat isa. :> Napakaraming nagbago, may mga tumigil na sa pag aaral, may ilang maagang naging mommy, pero nasasandalan pa din namin ang isat isa. Dahil hindi na tulad nuon na lagi kaming magkakasama, nauso naman ang mga group sa FB. Dun namin sinubukan na muling tipunin ang barkada. :>
Kami kami na yung laging magkakasama. Sa fiestahan man, birthdayhan oh kahit simpleng tambay lang. Walang nawawala. Pero hindi pa din dun natitigil ang pagaasaran, dahil ako ang numero unong walang kasing arte sa grupo, madami akong nakaaway, hahaha!
Pero, hindi dun tumigil ang samahan, minsan kaming nabubuo ulit. Nakakalabas na ulit, walang kasing saya nung nabuo kaming lahat nung swimming last december2011.
Pero, unti unti habang tumatagal ang panahon lalo kaming nawawalan ng panahon sa isat isa. Lalong nababawasan. Nagkagulo, nag kung ano anong issue.
Ngayon? Hindi ko na alam. Nasan na nga ba ang mga barkada? Hay. Matagal na din since nagkasama sama tayong lahat. Namimiss ko na kayo. Sorry kung sabaw na yung kwento ko sa part na to ah. Naalala ko na naman kasi silang lahat. :'( Tatapusin ko nalang yung kwento kong to pag dina ulit busy. 1228am na e. May pasok pa ako mamaya. Goodnight blogger. :)
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.♫