Linggo, Pebrero 10, 2013

Tamang panahon...

Don't rush into love, because even in fairy tales, the happy ending takes place on the last page. :")

May tamang panahon  sa lahat ng bagay. Wala nga lang exact date, pero naniniwala ako na merong tamang panahon. Tiis tiis lang, hindi natin masasabi kung kelan ba 'to, kung dumating na ba, oh nalagpasan mo na pala yung tamang panahon na yun.

Ako? Palagi 'kong tinatanong yung sarili ko na, kelan pa ba? Kelan ba talaga? Nakakainip na kasi. Marami kasi akong gustong mangyari, napakarami. Pero hindi ko alam kung san sisimulan, nagsimula na ba, oh baka naman natapos na pala ng dko namamalayan. 

Sa ngayon, isa lang 'tong salita na 'to ang pinanghahawakan ko, ayokong madaliin ang bagay bagay. Sabi nga, "you only live once" gusto kong ienjoy at mafeel yung lahat ng nangyayari sakin. Hindi man kagandahan lahat, pero gusto kong matuto sa bawat pagkakamali na magagawa ko. Ayokong magmadali kasi, ayoko ng may malagpasan pa, ayoko ng basta nalang ako magdedesisyon sa isang bagay na ako din pala sa huli ang magsisisi. Hindi lang sa love kundi kahit sa buhay. Wag nating madaliin lahat, may tamang panahon para jan. Maniwala ka, kaibigan. :)