Martes, Pebrero 05, 2013

....

Manhid.Walang pakiramdam. Hindi makahalata. Hindi marunong umappreciate.  Palagi mo nalang pinapaulit ulit sakin na ang manhid ko, na hindi ako marunong makaramdam. Na kung sino-sino yung mga nakikita ko. Na hindi kita pinapahalagahan.

Pano nga ba nasasabi ng isang tao na manhid ang kapwa nya? Pano nalalaman? Pano mo alam na manhid sya? Pano mo nasabi? Anong naging batayan? Kasi mahal mo hindi ka mahal ganun ba? Kasi hindi nya binabalik yung time na binibigay mo? Yun lang ba yun?

Lahat ng tao siguro naging manhid, nagpakamanhid at namanhid na. Ewan ko. Siguro. Ang gulo! Basta ang alam ko? Hindi ako ang manhid, at walang sinuman ang makakapagbigay ng direktang ibig sabihin nito. Bawat tao kasi may naging karanasan, may kwento kung bakit sila ganun. At sa kwento ko? Uulitin ko, hindi ako ang manhid. Ikaw! :(

Nakangiti ako habang sinusulat to, hindi ko alam kung pano ba sya nagsimula, basta ang alam ko, iba na yung nararamdaman ko. Nung una natakot ako, natakot ako na bakit ganito yung nararamdaman ko, parang mali. Pero sa bawat maling yun, nagiging masaya ako. Ngumingiti ako, ngiting hindi tulad ng dati. Kaya hinayaan ko nalang, hinayaan ko ng hinayaan hanggang sa nalaman ko sa kwento ko na ikaw naman pala yung manhid kasi ni minsan hindi mo 'ko maramdaman. 

Magulo, alam ko. Pero alam mo? Ako? Sobrang linaw na nung nararamdaman ko. Hay! :) Bahala na spiderman, sige na. Goodnight! X)