Sabado, Hunyo 02, 2012

Binabawi ko na…

Noon, gustong gusto kong magkaron ng kapatid na babae. Naiingit/Selos kasi ako sa mga katulad kong teenager na may kapatid na babae. Lalo na pag mag kasing edad sila at kapag magkasing katawan pa. Nakakatuwang isipin kung sobrang close tas lahat ng bagay share sila, lalo na sa mga sapatos at damit. J Lagi kong sinasabi sa mama ko na gusto ko din ng ganun, pero pinagtatawanan lang nila ako, at sasabihing pasalamat pa daw at wala daw akong naging kapatid na babae. -.-

Masarap na may kapatid kang babae kasi, kapag may problema oh masasayang pangyayari ka, may malalapitan ka agad. May masasabi kang totoong bestfriend mo talaga. Sa kaso ko, kaya sobrang close kami ni Mama kasi nga dahil wala akong kapatid na babae, kaya sa kanya ko sinasabi lahat.

Sabi ng mga kaibigan ko, hindi rin daw maganda. Una, may kahati ka sa lahat ng bagay. Pangalawa, pag hindi kayo magkasundo pang away lagi ang abot. At dahil dun, sumbong dito, sumbong dun ang mangyayari.
Nung una para sakin, sinabi kong natural lang yun sa magkapatid. Ganun din kasi kami ng kuya, nagbababag din kami. Sa salita nga lang, pero nuon lang yun, ngayon kasi, hindi na nya ko inaaway, umaalis na lang yun kapag nababadtrip na. HAHAHA.

Anyway, noon nga, gusto ko talaga ng kapatid. TAKE NOTE. NUON. Bakit? Eto.

Nagbakasyon sa bahay yung pinsan kong taga laguna, natural sa kwarto ko sya natutulog. Sa pailang gabi, dun ko narealize na ayaw ko na magkaron ng kapatid na babae. HAHAHA. No offense, pero sobrang burara nya. -.- Kung burara nko, doble ko pa sya. Ah, basta! Hehe. J

Tapos, pang agaw pa kami sa fan, gusto ko kasi laging nakatutok lang sakin, nagkataon na ganun din sya. :3 Napag isip isip ko na, pano kung kapatid ko pa to? Sa ugali kong to, pati tuyo pag aagawan namin. HAHAHA.

Kaya eto, binabawi ko na. HAHAHA. Thankyou sa Mama at Papa ko at wala akong kapatid na babae. HAHAHA. :”)

Kung tutuusin, kay kuya pa lang eh. Pasalamat nalang ako, at yun, laging pinagbibigyan nalang ako. HAHAHA. Mis matanda kasi sya sakin. J