SELOS yung unang unang dahilan ng pag be-breakup ng nasa isang relasyon. Lalo na kapag nagkataong pareho silang seloso/a. Kahit yung mga maliliit oh pinaka simpleng bagay, pinag aawayan.
Para sakin, normal lang naman yun. Pagpapakita lang yun na kung gano mo kamahal yung isang tao. Ganon din kasi ako, kahit barkda nya oh alam kong talagang close na nya bago pa man kami magkakilala, pinagseselosan ko pa din. :)
Pero para sakin din, kelangan nyong magka bigayan. May isang iintindi sa kababawan ng isa. Hindi pwedeng yung isa na lang ng isa. Wala lang. Hehe. :) Bigla ko lang tong naisip bagay na to.
Hindi tamang mag paka baba ng mag paka baba sa isang taong hindi ka binibigyan ng halaga. Yun bang kahit pinapakita mo na kung gano mo sya kamahal kahit nagkakamali ka, sige ka pa din ng sige. Yun bang kahit nasasaktan ka na sa mga paratang nyang hindi naman totoo binabalewala mo lang. Yun bang kahit hindi ka nya matanggap ng buo pinipilit mong maging perpekto para lang sa kanya.
Kung ayaw na, tama na. Kung hindi na kaya, itigil na. Tama na yung pagpapasaring. Yung mga pasimpleng Wrongsend oh GM. Yung mga pasimpleng favor. Grow-up ika nga. Nakipag hiwalay ka na diba? Bat di mo nalang matanggap?
Normal lang na magselos kapag wala na kayo tapos may finifling na agad na panibago yung naka relasyon mo. Pero hindi na normal yung magduda ng wala ka namang basehan. Ang masama pa, yung magsangkot ka ng mga taong wala naman talagang alam at magiging ugat ng mis malalim na pag aaway.
Minsan kelangan mo ding mag isip ng tama bago ka mag padalos dalos sa emosyon mo. Hindi tamang ikaw lagi yung iniintindi.
Isipin mo, pano kung yung taong patay na patay sayo eh biglang pa gising mo hindi na pala? Pano kung yung taong akala mo habang buhay kang uunawain eh natauhan na pala? Magiging masaya ka ba?
Ikaw. Sa tingin mo? Tama ba talaga yung ginagawa mo?