Nagbabago nga pala
ang tao…
Nakakalungkot lang isipin na yung dating samahan na walang
ibang alam kundi ang magsaya e ngayon ay watak watak na. Dating samahan na kung
saan mag punta yung isa ay kasunod lahat. Dating samahan na desisyon ng isa,
desisyon ng nakakarami. Dating samahan na nagkakasundo sa lahat ng bagay.
Dating samahan na kontento, Masaya, at walang ibang alam kundi ang magsama sama
para bumuo ng isang magandang barkadahan. L
Lumipas ang araw, bwan at taon. Hindi ko namalayan na yung
barkadahang akala ko pang habang panahon ay unti unti na palang nawawala.
Tuluyan ng nilamon ng panahon, ng oras at ng bawat pangyayari na nagaganap sa
bawat isa sa amin. Huli na nung nalaman kong kakaunti nalang pala kaming
kumakapit at naniniwala sa barkadahang binuo namin apat na taon na ang
nakakalipas at ang mas masakit ang pitong taon pang pinagsamahan ng ilan sa
amin.
Sinabi ko sa sarili kong pagsubok lamang ito. Hindi lang
isang beses kundi paulit-ulit pero ganun pala talaga yun, isang araw magigising
kana lang na kelangan mo ng tanggapin ang katotohanan. Katotohanan na yung
taong kilalang kilala mo noon ay parang bigla nalang magiging isang estranghero
sa buhay mo. Hindi mo mamamalayan na
hindi na pala sila yung tulad ng dati na kontento na kahit kayo kayo-kayo lang
sapat na.
Sa pagdaan ng araw, mas maraming tao ang makakasalamuha
natin, mas maraming samahan ang mabubuo, mas maraming pangyayari ang magaganap
at kahit hindi natin gustuhin mababalewala’t mababalewa lang dating nakahiligan.
Mas gugustuhin kung ano ba yung nanjan,
mas susubukan kung ano ba yung bago at kahit hindi natin sinasadya oh gustuhin
man, sadyang mawawalan ng saysay ang dating kasiyahan.
Minsang may nakapag tanong sakin “Bakit ikaw? Bakit ayaw mo pang magbago sa kanila kung lahat sila nag
iba na?” Matagal yung tumatak sa isip ko. Hindi nya alam ilang beses ko ng
sinubukan, ilang beses ko ng ginusto at pinilit na mawala nalang sila sa
memorya ko tulad ng pag alis nila sa akin at sa samahang meron kami. Pero tulad
ng pagsubok sa isang bagay na sa simula palang alam mong imposible na, mabibigo
lang. Tama. Laging bigo. Hindi ko nga siguro kaya. Masyadong malalim yung sayang
iniwan nila sa puso ko. Sa memorya ko. Sa loob ng napakaraming taon, nakontento
ako sa kung ano lang yung meron kami. Hindi ako naghanap ng iba pa, naniwala
ako na panghabang buhay ang pagkakaibigan namin. Naniwala ako na hanggang
gumagawa naman ako ng paraan para magkasama sama kami ay mananatili ang lahat
pero hindi pala ganun kasimplle yun. Nagkamali ako. Nagbabago nga ang tao.
Nagbabago ang nakakahiligan natin, nagbabago ang pananaw sa buhay. Nagbabago
ang lahat. Ang oras, ang panahon at mismong tayong mga tao.At kung may isang
bagay man ang hindi kelanman magbabago yun ay ang ala-alang iniwan satin ng mga
taong yun.