Martes, Marso 12, 2013

San na nga ba ang Barkada? :(

Nagsimula ang lahat sa iskuwela. nagsama-samang’ labingdalawa’.
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay’ saya.
Laging may hawak-hawak na gitara, konting udyok lamang kakanta na.
Kay simple lamang ng buhay ‘noon, walang mabibigat na suliranin.
Problema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon.

Apat na taon. Apat na taon na din pala since nakilala ko sila. Ang mga kaibigan ko. Ang pangalawang pamilya ko. Ang Minotaur. :')

Si Bix, Mamhe, Arvin, Popoy, Chad, Ken, Pot, Marasigan, Kakaru, Pandet,  Bee, MM, Shiela, Dudas, Morane, Te Axa, Jhona, Ariane, Kuya Kim, Kuya Borreros.

Sa loob ng apat na taon? Marami ng nagbago. Napakadami na. Ako na nga lang ata yung stranded samin e. Hehe. Ewan ko ba, once kasi na pinahalagahan ko yung isang tao kahit anong mangyari hindi na yun maalis sakin. Kwento ko lang sila ah? Miss na miss ko na e. Sobra. ;")

Nagsimula ang lahat nung nabuo ang grupong Minotaur. Ang section ko nung 4thyr HS. Sa 20 na nabanggit ko, si bix ang pinaka matagal ko ng kilala. Since 1st yr kasi, kaklase ko na sya. Sina mamhe, arvin, ken, chad, dada naman eh mga transferee, yung iba, napalipat sa section namin. Hindi kami Star Section, sa katunayan, kami yung section na kinakabwisitan lahat ng professor, nasa grupo ko yung pinaka magugulo, pinakamaiingay. :) Nauso nun sa school yung kapag mababa ang grades mo, dapat nasa Section-B ka. Sa katunayan, pasok naman yung grades ko sa star section, pero dahil since 1sy year, sila bix na ang kasama ko, nakiusap ako na wag ng ilipat pa. Si mamhe, pinili nyang samin mapunta kahit mataas talaga yung grades nya. 

Nagsimula kami ng masaya, yung walang pangalan na kung anong nabuo di tulad ng iba, basta Minotaur. Basta kami ang Original Minotaur. :)  



 Kaming dalawang'pu kasama ang nag iisang tyumaga saming guro. :') 

Ordinaryong samahan lang ang meron kami, oo at paminsan minsan nag aaway away din. May mga bagay na di napapagkasunduan, pero nagsimula kaming masaya. Nagsimula kami bilang kami, bilang isang ordinaryong estydyante. Ayy, hindi nga pala kami ordinaryo. :P

















Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon.
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon.

Sa unang ligaw kayo’y magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
Nagkawatakan na sa kolehiyo, kanya-kanya na ang lakaran.
Kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga’y hindi nawala.

At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating iskwela’y meron’ ding naiwan.
Meron’ pa ngang mga ilang nawala na lang,
Nakaka miss ang dating samahan.

 Pero tulad ng sinasabi ng lahat, walang permanente sa mundo. Maraming nagbago, may umalis, may nag iba ng landas. :) 

Dumating ang kolehiyo, iilan na kaming naiwan, iilan din ang naging matatag. Si bix, arvin, mamhe, chad, popoy, ken, dada, pot, pandet marasigan at kakaru ang nanatiling nasa tabi ng isat isa. :> Napakaraming nagbago, may mga tumigil na sa pag aaral, may ilang maagang naging mommy, pero nasasandalan pa din namin ang isat isa. Dahil hindi na tulad nuon na lagi kaming magkakasama, nauso naman ang mga group sa FB. Dun namin sinubukan na muling tipunin ang barkada. :> 


Kami kami na yung laging magkakasama. Sa fiestahan man, birthdayhan oh kahit simpleng tambay lang. Walang nawawala. Pero hindi pa din dun natitigil ang pagaasaran, dahil ako ang numero unong walang kasing arte sa grupo, madami akong nakaaway, hahaha! 




Pero, hindi dun tumigil ang samahan, minsan kaming nabubuo ulit. Nakakalabas na ulit, walang kasing saya nung nabuo kaming lahat nung swimming last december2011.





Pero, unti unti habang tumatagal ang panahon lalo kaming nawawalan ng panahon sa isat isa. Lalong nababawasan.  Nagkagulo, nag kung ano anong issue.





 Ngayon? Hindi ko na alam. Nasan na nga ba ang mga barkada? Hay. Matagal na din since nagkasama sama tayong lahat. Namimiss ko na kayo. Sorry kung sabaw na yung kwento ko sa part na to ah. Naalala ko na naman kasi silang lahat. :'( Tatapusin ko nalang yung kwento kong to pag dina ulit busy. 1228am na e. May pasok pa ako mamaya. Goodnight blogger. :)

Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.

Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.

Biyernes, Marso 08, 2013

Babae eh.

Hi blogger! :) May gusto lang akong ishare sayo. Tungkol saming mga babae? Mehehe. Ewan ko ah, pero siguro naman hindi lang ako yung babaeng makakarelate sa ipopost ko ngayon. :>

Alam na naman siguro ng lahat na kaming mga babae, komplikado. Alam mo yun? Paiba iba ng ugali, ng tumatakbo sa isip, pabigla bigla ng desisyon. Mga ganung bagay. Lately kasi, parang puro na yan yung nababasa ko sa website ng karamihan. Kahit nga ilang blogger na lalaki yan yung mga sinusulat nila, kung gano kami kakomplikado. :>

Tipong ganito ba:

Ilang beses kanang niloko pero bumabalik at bumabalik ka pa din sa kanya. Immune na nga kung tawagin ng iba. Hindi pagpapakatanga ang tawag dun. Alam mo yun, hindi mo sya magawang bitawan kahit ilang beses kana nyang niloko. Oo at ilang beses na din naming sinabihan kayo na ayaw na namin, pagod na kami, tama na pero at the end of the day? Hindi nyo ba guys napapansin na kami padin mismo yung gumagawa ng way para magkaayos tayo? Tipong palit ng password, parinig ng status, guys, ginagawa lang namin yun para mapansin nyo kami. Minsan, hindi namin kelangan ng bonggang effort, makita lang namin na honest ka naman okay na kami. Masaya na ulit. Guys, nature na namin yun e. Babae e.

Minsan, pinipilit lang namin yung sarili namin na masanay na wala kayo, kasi nga minsan sumusobra na kayo. Kami kasing mga babae;


  • Paranoid. Alam mo yun? Yung feeling na kasama mo sya pero nasa ibang mundo ka? Sa ginagawa nyo, pinag iisip nyo lang kami. Kung ano ano na agad tumatakbo sa isip namin.
  • Emotional. Simpleng salita na masabi nyong hindi namin magustuhan, promise. Sobrang big deal na nun. Hindi nga lang namin sinasabi kasi minsan nasa isip namin ang iisipin nyo lang ang babaw lang naman nun pag aawayan pa.
  • Selosa. Maniwala kayo oh sa hindi mas gusto ng babae na alam nya lahat yung tungkol sa inyo. Paboritong ganyan ganito, alam yung ginagawa nyo, ni kahit pa nasa banyo. Oh ultimong password ng lahat ng account nyo, gusto namin alam namin. Once kasi na karelasyon namin kayo, ayaw naming may alam yung ibang kapwa namin babae na alam nya at hindi namin. 
  • Pabigla bigla ng desisyon. Tipong pag nag away kayo, hindi nyo na makausap ng ayos, pagpapatayan kayo ng phone, hindi kayo itetext, basta nalang mag oo sa lahat ng sasabihin nyo. Guys, way lang namin yun para maintindihan nyo kami. Hindi pag sinabi naming okay lang eh okay nga talaga. Minsan kasi, nahihiya lang kami sabihin sa inyo. Hindi yun kaartehan, iwas away lang yung ginagawa namin.
  • Mahirap espelingin. Moody ba, yung kanina ang okay okay nya tapos mamaya galit na. Alam nyo kung bakit? Kasi guys may nagawa kayo na hindi namin nagustuhan, dapat hindi nyo na kami sinasabayan. Hindi yung pag galit kami, galit din kayo.
  • Mababaw. Guys, simpleng compliment lang na ang ganda mo oh basta mapansin nyo lang kami. Masaya na kami dun. Buo na yung araw namin. Ni isang goodmorning nga lang e. 
  • Proud. Pansin nyo ba? Kami yung tipong pagnagkumpulan kayo yung pinag uusapan, laman ng GM, ng facebook, twitter oh kung ano pa mang mga sites yan. Hindi yun kabaduyan, pinapakita lang namin kung gano kami ka proud sa inyo.
  • Effortless. Hindi namin kelangan ng napaka bonggang effort pero hindi nyo maalis samin na mag expect. Pero alam nyo? Kahit simpleng effort, kilig to the bones na kami. Yun bang pag alam nyong miss na namin kayo pumunta man lang kayo sa bahay namin, ay nako. Buo na araw namin. :>
  • The best Pretender. Ay the best kami jan. Yung kahit hindi naman okay, sasabihing okay para iwas away lang? Pero guys, ingat kayo. Kasi once na mapuno kami, promise. World War III yan.
  • Mabunganga. Alam nyo yun, mag sisimula palang kayong mag explain ang dami na agad naming nasabi. Tipong daig pa ang nanay nyo sa pagbibilin ng kung ano ano. 
  • Sentimental. Tandang tanda namin kung kelan namin kayo sinagot, san unang nag date, tipong dinadaiary namin kayo pag may mga ginawa kayong hindi namin makakalimutan. Kahit nga candy na binigay nyo samin, pinagkakatago tago namin yung balat. 
  • Ilusyunada. Nakakatawa mang isipin pero totoo, alam nyo yun? Nangangarap na agad kami sa magiging future natin. Tanda lang naman yun na seryoso kami sa inyo.
Oo. Kaming mga babae, mahirap maintindihan. Magulo. Pero pag sinabi naming Ikaw lang. Maniwala kayo, Ikaw lang talaga. Nasa isip nyo sigurong wala kaming alam kundi ang kaartehan sa buhay pero guys. Once na nainlove talaga kami. Handa kaming magpaka martyr, handa kaming isuko lahat. :>