Saan ba ko dapat lumugar? Ako ba yung mali? Ako ba yung sabit? Ako ba yung pang gulo nga lang?
Pagkatapos nung nalaman ko kanina, bigla kong naisip lahat. Siguro nga, ako nga yun. :( Kung hindi siguro dahil sakin, okay pa din sila hanggang ngayon. Kung hindi siguro dahil sakin, masaya pa din sila ngayon. Kasalanan ko nga ata lahat. Sa previous post ko, sinabi kong huwag magpadalos dalos kasi may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Sa ngayon? Hindi na ako magpapadalos dalos sa kung ano ba tong nararamdaman ko, gagawin ko nalang kung ano ba yung sa tingin ko eh tama.
Sinubukan kong kontrolin ang lahat, iwasan, panghawakan.. pero sa huli? Wala din pala akong nagawa. :( Haaay! Ang hirap. Hindi ko alam kung pinag lalaruan ba ako oh ano, nakakarma? Siguro, sa lahat ng nagawa ko. Pero pagkatapos ng araw na yun, walang pangako pero susubukan ko nang itigil lahat. Susubukan ko ng tapusing kontrolin kung ano ba kami. Siguro nga, dapat na. Dapat ng matapos yung takot na nararamdaman ko, Dapat ko ng itigil na paniwalain yung sarili ko.
Ang tagal na pala, ang tagal tagal na. Halos ginawa ko na yung lahat para hindi mawala yung kung anong meron kami, ang totoo? Takot kasi ako, takot akong maiwang mag isa. Takot akong pabayaan at baliwalain nya. Ngayon ko lang to sasabihin sayo blogger, diba sabi nila, lahat ng bagay may dahilan, at oo may dahilan ako sa lahat ng nangyari samin. Sinubukan kong iwasan lahat, kasi nangako ako sa isang tao na hindi ko sya aagawin, hindi ko sya kukunin, pero sa huli bumalik at bumalik pa din ako sa kanya. Bakit? Kasi sya yung hinahanap ko, kasi sa kanya ako masaya. Sorry. :(
Pero sa lahat ng nalaman ko, yung kanina. Sobrang malinaw na sakin. Sya at sya pa din pala. Hwag kang mag alala, tanggap ko. Tatanggapin ko. Ngayon, ikaw naman yung hahayaan kong maging masaya, tama na yung pag uuna sa sarili ko. Siguro kelangan muna nating malihis ng landa kahit papano. Pero, please? Hayaan mo muna ko sa ngayon, unti unti matatanggap ko din lahat. Hayaan mo muna kong maging masaya sa araw na yun. Ha? Promise. Pagkatapos nun, titigil na ako. Titigil na talaga ko.