Mejo late na yung post ko about PBB pero nakakatawa pa din ang mga haters ni Myrtle. HAHAHAHA. Seriously, puro naman babae yun. Bitter/Inggetera much? Nakakatawa lang kasi nagagawa pa nilang isama yung mga nanay nila sa convo nila. Akala ambabait eh, pero pag nakatalikod naman malala pa sa ginagawa ni Myrtle. Yung totoo? :D
Para sakin walang problema yung ugali ni Myrtle, oo. May pagka weird at OA sya minsan pero lahat naman siguro may kanya kanyang attitude eh. May nagsasabi pang FAKE yung pag kaka usap nila ni Yves. Lalo na dun sa pag ka sampal sabay hug. Hellooooo? May trust issue nga po sya diba?
Nakakairita nga siguro kasi ilang beses nyang dinedeny yung pagkagusto nya kay yves pero para sakin way nya lang yun para di na ulit magpaka tanga pa sa love tulad ng mga nangyari sa kanya nuon. Para din sakin, totoo lahat ng mga pinakita at sinabi nya nung kausap nya si yves. Nasaktan sya eh. :)
Tungkol naman dun sa hug, lahat naman tayo ganun eh. Aminin na. Yung pag ka gusto/mahal mo yung isang tao kahit ano pang galit mo sa kanya mawawala din yun kasi ayaw mo syang mawala ng tuluyan. Tulad nalang ng ginawa ni Kim.
Wag na po kayong masyadong bitter. Maganda lang at matalino si Myrtle eh. HAHAHA. :""))