Huwebes, Hunyo 07, 2012

Im done. :"))



Mababaw lang yung kaligayahan ko. Konting effort lang oh kahit wala pa ngang effort masaya na ako.
Ganyan ako sa mga barkada ko, yung kahit hindi kabonggahan yung ginagawa oh meron yung samahan namin basta may oras kami para sa isa't isa solve na ako.

Pero habang tumatagal, hindi na tumatakbo yung mga bagay bagay sa pag ikot na akala ko. Nagbabago na kasi sila. Unti unti, sinisimulan na nilang mag kanya kanya. :(

Siguro nga, may dahilan sila pero yung mga dahilang pambata? Dahilang gawa gawa? Dahilang walang saysay? Yung maka imik lang? May masabi lang? Shiiz. :|

Oo. Hindi sa lahat ng bagay, lahat ng oras kelangang mapagbgyan yung kagustuhan ko, pero iba eh. Sobrang iba na. :|

Si Arvin, ang bestfriend ko. Simula nung makilala ko si jerome, nagbago na sya. Kasalanan ko ba kung dapat akong umiwas? Kasalanan bang dapat kong gawin kung ano yung tama? :|| Inaakto nya yung ugali nyang isip bata kasi OO nasasaktan sya, nasaktan sya. Pilit ko naman syang iniintindi eh. Pilit at pilit kahit hindi na nakakatuwa, kahit nakakasakit na. Kahit gumagamit na sya ng tao mapasaya lang nya yung pride nya! Pero sana naisip nya na nasasaktan din ako. Na ginagwa ko to para samin, kasi mahalaga sya sakin. Kasi iniingatan ko yung kung ano bang meon kami. Mahirap bang intindihin yun?

Si kakaru, si marasigan, si pandet, si morane, si phanget, si pot, si ineng, si mamhe, si shiela, si te axa, si bee, si ken, si popoy, si bix. Alam ko namang may kanya kanya tayong schedule eh. May kanya kanya ng buhay, pero yung magparamdam man lang? Mahirap ba yun?! :/

Sumusuko na ako......



Sumusuko na ako sa paraang ayoko na maging ako lagi yung nangunguna sa lakadan. Yung isang text lang nila, game ako. Yung hindi na kelangang ii please pa. Yung madaling nalalapitan.

May mga bago din naman akong naging kaibigan pero never kong isinantabi ang Minotaur. Never ko silang nirereject. Never akong nag hihindi. Basta may makasama ako kahit isa lang kahit pa nga wala, pumupunta ako.

Pero, napapagod na ako. :( Napapagod na akong intindihin sila. Kelangan ko na nga sigurong intindihin na may kanya kanya na kaming buhay. Kelangan ko ng mag grow up. :( 

Kaartehan/Kadramahan kung iisipin pero totoo. Dumating si jerome sa buhay ko, pero hindi ko nagawang gawin yung ginagawa nila, na porke may BF/GF nagagawang isantabi yung barkada. Tama na nga siguro.

This time, bahala na talaga kayo. Yan naman yung gusto nyo diba? Oh di game. Pinanghihinayangan kong masira yung friendship na meron kami, lalo na yung samin ni arvin, pero kung ganyan ka lang ng ganyan, bahala kana talaga. Ikaw na kasi mismo yung sumira at nagpapawalang bahala sa samahan na meron tayo. Napaka unfair mo. Napakadaya mo. :'(