Hindi madaling mawala yung galit ko. Lalo na kapag ako mismo yung naka alam ng mga bagay bagay na may nakakagalit talaga. Kahit pa sa mga kaibigan ko talaga yan. Umaabot talaga ng months bago kami maging okay ulit. Yun bang tsaka lang ako ulit lalapit kapag walang wala na yung sakit na nararamdaman ko.
Ganon ako eh. Madaming kaibigan ko ang nagsasabing kakaiba nga daw yung ugali ko. Hindi pang karaniwan. HAHAHA. Ako kasi, mas iniisip ko yung mga nega na side. Mis pinapaunawa ko sa kanila yung mangyayaring masama muna kesa maganda para naman tanggap na nila sa una palang diba? Pero minsan, hindi na daw nakakatuwa. HAHAHA. Mali na din daw yung pag ka prangka ko, ako kasi kahit sino oh ano pa yung mga makakasama ko, pag ayoko. Ayoko. Tulad nalang kapag may mali sa isa ko sa mga kaibigan tapos hindi agad nila masabi sa isat isa kasi daw nakakahiya baka ma offend ganyan eh ako, dinederetcho ko. Sabi, nakakasakit daw kapag ganun, pero para sakin mis tamang sabihin na agad. Kaibigan mo yun eh. Bat kelangan mag paligoy ligoy?
Yung sa galit, walang epekto sakin kahit gano pang effort yung gawin mo maging okay lang ulit tayo, kasi ako nagkukusa. Kapag wala na sakin yung bagay na yun, ako na mismo yung lalapit at mag sasabing "bati na tayo ulit please?" Ako na yung gagawa ng effort kahit ako oh ikaw pa man yung naging mali. Wala na sakin yung sasabihn ng iba oh yung mga salitang masasakit na nabitawan nung mag kaaway pa.
Sa kaso ko, may mga ilang tumatagal jan ng hanggang 5months. Hahaha! Ganon eh, pero kung ayaw ko talaga, kahit dumating pa yan ng dekada. Bahala ka. :")
Laging sabi yung kasabihang "Wag mong ipag pipilitan yung sarili mo sa taong ayaw sayo. Kung ayaw wag". Pero para sakin hndi din laging tama yun, kasi pano kung kelangan mo talaga syang pakisamahan at no choice ka diba?
Sa kaso ko naman, napaka daling pakisamahan ang attitude ko. Sabi ko nga, konting effort lang eh. Pero once na nasira yun at hindi pa naman talaga tayo magkaibigan sorry nalang. Lalo na kung nagbabait baitan effect kalang pala nung mga time na nakakasama mo ako. Ako kasi, mis gusto kong sa una palang pinapakita ko na yung ugali ko. Oo. Mahirap yung ganun kasi pano nga ba kayo magkakasundo pero maalam naman akong lumugar.
Ayoko lang sa lahat yung mga story maker. Yung puro ka echoserahan yung mga sinasabi. Yung puro sa pag taas nila. Yung puro hangin sa katawan nila. Yung puro kaartehan nila sa buhay. Maarte ako, oo pero may ibang babae na pag once mo palang nakaksama eh sobra. Ayoko ng ganun. Alam ko wala kayong paki-alam sa mga ayaw ko, pero minsan kelangan mong lumugar. Kelangan mo munang tingnan yung sarili mo bago ka umakto ng ganyan lalo na kung ikaw yung bagong dating. :)