Hindi talaga ako fan ng PBB. Nakakairita kasi yung mga kaartehan nila. HAHA. Pero nung paminsan minsang napapanuod ko yun. May ilang nagustuhan ako dun, tulad nalang nung Kambal. Makikita mo talagang totoo sila. Tapos yung Karen at Myrtle. Magkaiba talaga sila ng personality kaya ang daming issue sa kanila. Si Karen kasi, kung titingnan sobrang prangka nya tas si Myrtle, mas gugustuhin nyang tumahimik nalang kesa lumaki pa yung issue, sa tingin ko ganun lang talaga sya.
Isa sa mga umagaw ng atensyon ko dun eh yung tambalang Myrves. Cute na cute ako sa kanila. :> Tas kagabi, nalaman ko nalang na may GF/Bestfriend pala yung Yves. Waaa. Dun ko nakita na totoo talaga si Myrtle, oo at hindi nya masabi na may gusto sya kay yves pero kitang kita naman siguro sa mga pagtulo ng mga luha nya.
Oo. Umasa sya siguro, pero naman. Lahat naman siguro ng girls na pakitaan ng ganun no. Wag kayong manhid. Sinearch tag ko din sa Tumblr si Myrtle, hati yung opinion ng tao. May nagsasabing malandi daw kasi sya pero para sakin, hindi yun totoo kasi una, nasa loob kasi sila ng iisang bahay. Magdamag mong nakakasama tas pakitaan kapa ng ganon? Hello lang oh. :>
Grabe din yung nangyari sa kanya ( Myrtle ) Ikaw na ang pagpustahan, patakabuhin ng 800meters at magpakatanga sa Bestfriend mo.
Napasulat ako tungkol sa bagay na yan kasi naiinis ako sa mga babaeng nagsasabing malandi daw si Myrtle, yung totoo hindi kayo? HAHAHA. Mga insekyora kasi ang dating na hindi pa yun nangyayari sa kanila. Nyahaha. Kung tutuusin, gusto kong pagsasagutin lahat ng mga yun, kaso magmumuka lang akong ewan. HAHAHA.
Nakakainis din yung nasasaktan na yung tao, nagagawa pa ng iba na pag komparahin ng pag komparahin sila ni karen. Magkaiba sila. Hindi ako Anti Karen, gusto ko sya talaga nung una palang. Yung pagiging prangka at totoo nya. Sabi nga ni Vice iba yung nakikita mo sa TV at yung nakakasalamuha mo talaga.
Still, #PBB! Ang benta nyo sa kabataan. HAHAHA.