Nanay, nanay. Bakit
ka ganyan?
Lahat ng tao may nanay.
Malamang! Hahaha. Pero, hindi lahat ng
taong may nanay, nanay ang dating.
May iba’t iba kasing klase ng nanay. Nanay na ganyan at
nanay na ganito.
Ngayon, sa nanay na gusto kong pagusapan eh ang klase nang nanay na matapobre, perfectionist, akala
mo kung sino. :”>
Hindi perpekto ang
nanay ko, ang Mama ko. Pero alam mo kung may isang bagay na dapat akong
ipagka proud sa kanya? Hindi sya matapobre, hindi sya perfectionist at lalong
hindi sya AKALA mo kung SINO.
Nasasabi ko to, kasi naglipana na sa isipan ko yung mga
nanay na bakit ganyan/bakit ganito?
Si nanay no.1 Actually, nanay sya ng EX ko. Masyadong PERFECTIONIST. Masyadong AKALA MO
KUNG SINO. Masyadong MATAPOBRE. Kabastusan
mang isipin to, pero TOTOO. Bakit? Sige nga, itanong mo sa sarili mo IKAW NA ANG MANGHUSGA NANG IBA. Ikaw na
ang magkalat ng CHISMIS na sa una palang wala namang kasiguraduhan, IKAW na
ang mang MATA ng TAO. OO. Siguro nga, yung nararapat lang at D’best lang sa
anak nya yung gusto nya. Pero sa ginagawa nya? Nakakaawang isipin yung anak
nya. Kasi sa una palang dapat ang tinatanung nya, PERFECT BA YUNG ANAK nya AT NAGUSTUHAN SYA? HINDI DIBA? Wait!
Hindi ako yan ha? Hahaha. Kasi bago pa ako mag kaganyan, hindi na ko aabot sa
puntong yan. Sabi nga ni Mama “Wag na wag
mong pag pipilitan ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo”
Naging barkada ko din yung bagong Girlfriend ng EX ko
pagkatapos nun. Hahaha. Umiyak sya sa harap ko at humingi ng Sorry sa lahat ng
nagawa nya. Pagkatapos ng issue at nung naging komportable kami sa 1sat Isa.
Nasasabi nya na sakin yung mga bagay na yan. At isa lang yung alam ko, hanga ako sa kanya. Kasi kahit ilang beses
syang apakan ng pamilya nung lalaki, nananatili
syang MATATAG at hindi nagpapaapekto. Sa huli naman kasi, sarili mo pa din yung
nakakakilala sayo.
Pangalawa, si Nanay No. 2. Kwento lang to nang Mama ko. Si
Nanay na ‘to, may anak. Si anak, nabuntis. Yung nakabuntis, ayaw ni Nanay.
Hindi na naman to naiiba sa panahon ngayon, sobrang daming ganitong Issue. Pero
sa tingin ko, mis malala to. Kasi etong si Nanay, till death ang pangako sa
sarili na ayaw nya si Boy. Na nag attempt na ipalaglag si Baby para lang tapos.
Na ayaw ipalabas sa lahat yung issue na to. Na ayaw samahan mag pacheckup si
Anak. Isang dahilan yung pumasok sa isip ko kung bat ayaw nya si boy, kasi
mahirap si boy, kasi hindi nakatapos si boy, kasi hindi solusyon yung pag mahal
mo ang isang tao go na, kasi kung nanjan na, pananagutan na. Malaki yung Respeto ko sa pananaw nya, kasi
tama naman. Kasi, nung dalaga si girl, bigay luho sya, kasi pinagtapos sya,
kasi ginagawa lahat sa kanya. Tapos ganyan nga lang? Leche talaga ang Love!
Pero sana, hindi pa huli ang lahat. Sana Nanay no.2 matauhan ka na, at tanggapin nalang na
nanjan na yan tulad nang mga nangyayari sa iba.
At ang huli si Nanay No.3. Sobrang malapit sakin si Anak
kasi barkada ko sya. Pero yung nanay nya? Hoooooo! Madaming kaso nto eh, yung
akala mo napaka ginto/bait nung anak nya? Maloko
ako, oo pero open ako sa mama ko. Hindi katulad ng anak na to. Hindi ko
alam kung nag paplastikan sila ng nanay nya. Hindi ko alam kung alam ni nanay
yung mga pinag gagagawa ng anak nya. Bakit? Kasi ang alam nya sa anak nya eh
porselana, ayon pala basag na. -____- Hindi
ko naman sya jinujudge eh, alam ko yun sa sarili ko. Ang ayoko lang talaga
yung ugali ni nanay, ibang klase kasi maka pang mataas, yung proud na proud sa
sarili at anak nya eh hindi naman nya alam pinag gagagawa nang anak nya?
Ewan ko! Sabi ng mama
ko, masama ang manghusga. Baka daw kasi makabalik samin/sakin. Sa kaso ko, hindi ako nanghuhusga. Naguguluhan ako dahil sa mga ugali na
pinapakita nila, ngayon iiwan ko yung salitang ‘to. “Please lang, bago naman kayo
manduro/pumuna ng iba, eh ii BIG CHECK nyo nga yung mga sarli nyo. Parepareho
lang tayo tao na tinatawag ni kalikasan at iisang amoy lang yung naamoy –
Mabaho.”