10pm
Jan. 07, 2012
Ok. Ang saya lang
po nung Jan 5-6 2012. RT Days&Night. =)) Pero kakaiba lang talaga nung RT
Night na. Yey! ANG SAYA, syempre kasama ang RT. 7pm nag start ang program
hanggang 1am na. Hindi sya ganun ka successful tulad nang inaasahan nang
karamihan pero, SULIT! :D Party party na pagkatapos nung pageant. ;))
At mag kwekwento
na nga po ako. =))
Jan. 05. 2012
RT Days.
Nagsimula sa Mass. Quiz Bee, Poster Making, tapos Ball Games. Ayos naman. Di na
tinapos ng BS ang panonood ng Ball Games. Talo ang 2nd yr sa
Basketball at Volleyball eh. K Nagpunta nang bayan at nag gagala. Past 6 na din ng
umuwi.
Jan 06, 2012
Eto na. 8am palang nag punta na sa bahay yung mag memake
up sakin. Jusmi! >.< Pero mga 10 na kami nag simula, kinulot ang buhok ko.
Yung Mano Mano. Nag pa Manicure/Pedicure. Hindi na pumasok nun kahit may mga
program pa sa umaga. Hold daw ang grades namin. >.< Sino na naman? Nang
BS. HAHAHA. Mga 3pm na ng bumalik yung nag aayos sakin. Minake up’an ako. Ok.
Ayos naman. Ang ganda ko. HAHAHA. Pero, failed yung sa buhok. Dko nagustuhan
yung kinalabasan. Biruin mo? 700 un. Kasama lahat. Yun pang mga Hot’oil kina
Mama&Raine. Nagalit pa sakin si Mama nang gabing yun dahil nga ungol ako ng
ungol sa buhok ko. HAHAHA.
Tumawag at muna at nagmuktol kina bebs&kath pero sabi ok lang daw at daanin sa ngiti. :"> Umalis sa bahay ng
mga 7.15 . Nagpahatid kay Mama ay Kuya Allan pa Boarding House ni Kath,
dadalahin ko yung gamit ko dun. Tas, hinatid na kami ni Katherine ng LPU.
Lpu na, sa
Backstage na tumuloy para tingnan si Baby. Tapos, pamaya pumunta na sa GYM para
pumwesto na ng upuan. Okay naman, at after almost 6hrs. Nag wagi ang baby ko
kahit sobrang kabado. =)) Oh diba. Bongga.
12am na ng nag party party na. Di naman
lahat sumasayaw. Pero ang 2nd yr? Sooos. Walang hiya/ Walang Arte.
Kanya kanyang sayaw. Naggames pa. Pinapuputok lahat ng lobo na ginamit.
Nakakatuwa lang. HAHAHA. Kanya kanyang kulitan tapos nang napagod, nag pasyang
mag uwian na. Kaso…
Di pinayagan ng guard na umuwi pag
walang na sundo. Kaya nag punta nalang ng Consulation Area, at dun na
nagkulitan. May 1hr din. Picturan/ Kulitan.
Nang mga gusto ng umuwi, nag planong
mag inom. Sasakyan nina Custodio ang ginamit para makauwi. AT.. Si Aztatine ang
Driver, kasama ang kanyang irog. HAHAHA. Nang okray si Kevin na ang ganda ko
daw nung gabing yun na umabot sa post na to. HAHAHA.
HAHAHA. Bitter? J
Anyway, di hinatid na kami ng Boarding
House, BS lang ang bumaba ng oras na yun. Susunod nalang daw ang Marias at mag
papalit muna. Sa Sasakyan daw habang hinahatid pa sina Kevin tuloy pa daw ang
pang ookaray kaya ata napa post si Ate! HAHAHA. :D
1.30 am. Nasa BH na lahat, BS. Marias,
Tsope Boys, si Giselle at Russel.
Yung iba mga borlogs na agad! HAHAHA.
Pagod na pagod. Pero kami? Syempre sa pangunguna ni Kevin at Marj, naisipan
bumili ng Iinumin. Mag 2am na yun. Naka 1ng Grande din namang Empi.
Mga 4am na din natapos. May katagalan
at puro naman kami Chikahan. Sayaaa. =)) Pagkatapos mag inum, umuwi na din ang
Marias at hahanapin si Marley ng Mama nya. Umuwi na din si Custodio at
may Lakad pa daw sya kinabukasan.
4am. Ako, si Marj. Joseph at Ilagan
nalang ang tumagal. Sa terris na kami tumambay pagkatapos ligpitin ni Marj ang
pinag inuman sa Sala. Nakahiga ako sa terris, naka sandal sakin si Joseph, Si
Marj dun sa kabilang dingding nasa pinto si Ilagan. Kwentuhan lang kami ng
kwentuhan. Kung ano-ano. =))
Tapos mamaya, nag paalam na si Ilagan.
Tutulog na daw sya. Kami nalang 3 yung natira. Tas, tulog na din pala si Joseph
sa may paanan ko.
5am na yun. Pinagising kay Marjo si Joseph at
matutulog na din sana kami.
5am sa kwarto…
5am sa kwarto…
Nasa kabilang Room ang Boys at nasa
Room kami ni kath. Ang pwesto..
Sa unang kama, si Gii at Kath. Sa baba
si Jhen at sa Pangatlo. Ako at si Marjo. Kaso pagkahiga, tuloy pa din kami ng
Chika ni Marj. Kahit antok na antok na kaya ayun, pamaya 6am na pala. HAHAHA. Ang saya. Nakatagal ako. Nambulahaw
na sa Boys. Sobrang Ingay namin. Sobrang Ingay ko kaya nag si gisingan na. Nag
ayos ng gamit at umalis nang 7am. Nag plano ng mag Bfast sana sa MEGA kaso
dahil sobrang mga pagod at puyat pa nag uwian nalang. Thankyou RT. =))
Habang papauwi, windang talaga. Masagi
lang ng konte. Tutumba. HAHAHA. Punuan ang jeep kahit umaga, kaya napasakay ng
di oras sa unahan ng jeep kahit may katabing lalaki. 10p yung inabot ko sa
Driver kaso di ako binigyan ng sukli. >.< Chinichika chika pa ako.
Susmaryosep! :// Pag baba sa kanto namin, maraming mga taga looban. Lahat sila
nakatingin sakin. That time, druging drugi itchura ko. Napa Smile nalang ako.
HAHAHA.
Pagdating sa bahay, 7am.
Diretchong kwarto at natulog. At pag gising ko. 4pm na. Bawing bawi lang. =))
Nag PC ( hanggang ngayon na ginagawa ‘ko to. 11.48pm na ) at nag upload.
Tapos, si Spiderman? Puro
ka echoserohan ang post. HAHAHA. Tinanong ko kung napapano at Ako pala yun!
HAHAHA. Sabi na eh. Mababasa nya yung mga post ko. Pakielamero yun eh.