Huwebes, Disyembre 29, 2011

San na nga ba ang Barkada? :'>

Ang saya lang po nang araw na ito. Dec. 29, 2011 =)) Hahaha. MinotaurAng aking highschool section. Kanina? Bumalik lang kami tulad ng buhay na meron dati. Tambay/Pikunan/Asaran. Di kami kompleto. Oo, pero kahit kami kaming 6 lang na ndi talaga nawawala san mang lakad ng barkada, MASAYA KAMI! =))

9am palang, nambulahaw na sa text si phanget, nasan na ba daw kami. >.<
Oh, di pinag tetext ko na sila at 11am nakina, chad na kami. 
Ako, si Dada, Pot at Jessa.
Di ko na pinagkaabalahan yung iba! Jusmi. Kung ayaw sumama. Wag! ;))
Nag paalam ako kay pot na uuwi na ako ng 1 kasi pupunta pa ko kina Mae, di ako pinayagan. :| 
Tinawagan nalang si popoy at arvin. Ok. Gora daw sila.
Nagpa takeout kay Arvin ng food sa MCDO na libre ni Pot, kahit nakapag tapsi na kina phanget na pakain nya. >.<
Tapos, kanya kanya ng asaran, kwentuhan, bwisitan.


Dko alam kung what time nag start mag inom ang boys, basta nag jamming muna sila eh. 
Natapos ng 6pm. UWIAN NA! :D
Nakasabay nang luko sa jeep! WTH. May sumakay na palabata pa, tas pinag tripan nun. :/ 
Nagyaya nadin muna si pot mag SM, may bibilihin daw syang DVD.  Pagkabili, nagyaya si Jessa mag Greenwhich. Magdidinner daw at di sya naka kain ng ayos kina chad at nahihiya. HAHAHA. Gora. Tas, mga bandang 8, uuwi na ulit nang nag text si arvin na magkakape daw sila ni popoy sa bahay.
Hinatid na ko nina pot ng tricycle hanggang kanto, at nag punta sa bahay kasama si arvin at popoy. Kanya kanya na uling kulitan. 9pm na ng umuwi yung dlawa. :D

Ang SAYA. =))
Thankyou Phanget, Ineng, Bff, Pot, at Luko! :DD 

OK. Wala po kaming picture at wala na akong balak mag dagdag pa ng Album sa Facebook ko. ;))

Ohh, at kayo'y umawit. ;))

Huwebes, Disyembre 22, 2011

Guys playing with kids it’s like, the cutest thing ever :)









Ugh! Di pa din dalawin ng antok. 12.41 na!!!

Anda&Aurel

Isa sa pinakamagandang part ng college life eh yung makakilala ka ng isang kaibgang tanggap ka sa kabila ng masama mong ugali. Mapasama, mababuti. Kaibigang kahit bwisitin mo ng bwisitin nanjan pdn para sayo. Kaibigang kahit pinag titripan mo na, alam mong love ka pa din. Isa ako sa pinaka maswerte na nakatagpo ng kaibigang yun. Kaibigang tanggap ka sa kabila ng lahat. Hindi sya perpeko. Oo. Bwisit Ako sa kanya araw araw, mapa simpleng bagay, naiinis ako sa kanya. Pero, isa sa mga salitang tumatak sakin mula sa kanya eh nung sinabi nyang “Bakit ikaw Cha? Di ka naman perpekto ah, pero kahit ganun, nandito pa din ako lagi para intindihan ka”. Pft! Cazzandra Mae Protestante! :/ Ang aking Cha! :’>  Si Anda na kahit mali mali, yung pinag tatawanan at pinag titripan ko nauunawaan pa din ako. Si anda na ndi marunong mag open ng nararamdaman sa iba. Si anda na napaka bait, si anda na napaka haba ng pasensya. Yan yung mga ilang bagay na ndi nakikita ng iba sa kanya, pero tulad ng karamihang babae, saksakan din sya nang arte, laging conscious, laging akala mo lalaban ng pageant, sasagala. Oo. Napaka raming bagay na nasusura/naiinis/nabwibwisit ako sa kanya. Pero alam mo? Sa kabila ng ugali ‘kong to. Ugaling di topak. Dun ko nakilala ang isang tunay na KAIBIGAN. Dahil sa kabila ng maganda nyang mukha/anyo kaya nyang magbahagi nang mga pananaw nya sa buhay.  Kaya nyang tumangap ng mga KAIBIGANG KAKAIBA, KAIBIGANG MAY SAYAD. =)) ( Tagal na neto, naka sulat to sa notes ng CP ko. November 16, 2011 pa, that time yun pa yung nagsisilbing Diary ko. ;)) Tapos ngayon, dahil wala na naman akong magawa at namimiss ko talaga ang Babaeng yun, naisipan ‘kong ishare sa Blog ‘ko. :D )

Spell EMOTE? Ugh!!! Namimiss ko lang talaga si Cha. 3months ko na din atang di nakakasama ang babaeng yun. Nag Stop na kasi. Financial Problem. :/ Hay! Pero, wala pa din namang nag babago samin. Ganun pa din ang bagay bagay. Magkatext kami magdamag basta may load, nag chachat basta OL pareho, nagtatawagan magdamag hanggang marindi ang tenga. ;)) Pero iba pa din eh, :/ iba pa din kung makakasama ko ulit sya. Namimiss ko na ang bwisit ng buhay ko. Waaaaaaa! Hahaha. Don’t get me wrong, di po ako tomboy sa kanya. Sya lang. :P   HAHAHA! Marami ng nakakapuna/pansin kung mag BF/GF ba daw kami. Homaygad! HAHAHA. Tita ko, friends nya, yung MAHAL nya, si Sir Jerwin, mga ilang katao sa FACEBOOK. Pano ba naman, naka InRelationship kami sa Isa’t isa. Hehe. Adik lang no? Shiiiz! Nakakamiss talaga ang babaysut na yun. Soon. Magkikita ulit kami. Tulad ng lagi nyang sabi. Babalikan nya daw ako. HAHAHA!

“Truly GREAT FRIENDS are HARD to find, DIFFICULT to LEAVE, and IMPOSSIBLE to FORGET.”

“You and I will meet again, When we're least expecting it, One day in some far off place, I will recognize your face, I won't say goodbye my friend, For you and I will meet again

 Oge na, Tama na ang emote. ;))
Nga pala, gumawa ako ng video na puro muka namin. HAHAHA! Imissyou CHA! Imissyou Anda! =))


Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Yesterday brought the beginning, tomorrow brings the end, and somewhere in the middle we became the best of friends. 
 ~Author Unknown

Ang daming nagsasabing hindi daw pwedeng maging mag Bestfriend ang isang Boy&Girl. Sabi nalang ng mga normal na tao, oh di kaya mga kilalang tao pa. Lalo na kapag nilitanya mo yung salitang ”We are just friends” kahit yun naman yung totoo.

Tulad nalang ng mga litanya nila:
Shakespear: “A Boy or a Girl can never be Friends forever.”
Lincoln: “Friendship is the starting step for what we call Love.”
Wrdswrth: “Proposing a Boy or a Girl for Friendship is nothing but indirectly saying, I LIKE U.”
Jackie Chan said, “Love is a everlasting Friendship.”
Michael Jackson said, ”If one can become your Best Friend, then He or She can easily become your Life Partner!


Hay nga naman oh! HAHAHA. Oh, well. Bestfriend! Ngayon naman, gusto ‘kong ishare yung bestfriend ko. Yung BFF ko na INLOVE sakin! HAHAHA. JK. ;))


4th yr na ‘ko nung nakilala ko sya. Kickout sya ng STC. Hahaha! Nung una, alam ko ng inloveeeeeeee na yun skin. JK ulit! HAHAHA! Pero, nanligaw sya. OO. Tapos, naging MU kami. Hanggang sa naging close kami, SUPER. Pero, lahat ng bagay lumilipas. Ang bilis kasi masyado nung lahat, isang araw nalang sinugod na ko nung REAL GIRLFRIEND nya sa School. Dahil buhay highschool, usong uso pa nun ang awayan sa Friendster. Hahaha! Tapos, isang araw wala na sila. HAHAHA! Mas lumalim nadin nun yung friendship na meron kami. Tandang tanda ko pa nun nung umiyak sya kay kuya. Watda! HAHAHA! Birthday nun ng Mama ‘ko. ( Bibigtihin for sure ako nun, pag nakita nya to. HAHAHA! )


Pero nun din, naging SUPER malapit sya sa family ko. Ba yan! -__- Naging bayaw nya bigla ang kuya ‘ko. At mas lalong naging CLOSE kami. :D That time, wala na samin yung love thingy, di Boyfriend ako at kung sino sino ang Girlfriend nya. HAHAHA! Dun kami, nagging mag BFF. :’>
Kasama ‘ko sya sa lahat nang lakad ng Minotaur. Nag aaway kami na animo mag asawa. Wala laging nagpapalamangan. Walang gustong mag pa daig. Laging salungat yung mga bagay na gusto namin. OO. Wala kaming pinagkakasunduan. >.< Dinaig pa naming ang mag BF/GF. Nag kakasurahan na animo may LQ, nag kakalambingan na animo mag JOWA, nag tetelebabad, nagkakatext magdamag. Pero, mag Bestfriend lang talaga kami. Alam naming yun sa sarili namin. :D


Hanggang sa dumating ang graduation, wala pa din namang nagbago. Ang Section ‘ko? Kada lingo ata nagkikita, at kami? Hinding hindi nawawala dun. Inuman man, Fiestahan ooh di kaya simpleng tambay lang.


Kahit pa, birthday ko. Birthday nya. Kasama namin ang isa’t isa.

               
Nakakatuwa lang isipin, pero hindi naman laging Masaya kami. Hehe. Dahil sa mag ka iba naming pananaw sa buhay. Lagi kaming mag ka galit. Kahit simpleng bagay. Tulad ng ano? Tulad ng mga gusto ko tapos ayaw nya, gusto nya tapos ayaw ko. Pag may hindi agad sya ginagawa na utos ko, kapag di sya nagpunta pag may lakad ang Minotaur, kapag di nya ko sinusunod. =))


Ang sarap sa feeling na meron kang kaibigan na alam mong kaya kang initindihin kahit ano pang kalagayan ang meron ka. Kilalang kilala nya ang ugali ko. Ang ugali kong di sayad. 
-__- Pero Ako? Masasabi kong kilala ko yung ugaling nyang malimit tinatago nya sa iba. Echosero yun eh, kaya nakakabwisit. Sa ngayon, masaya ako. Masaya ako kasi may bestfriend ako na tulad nya. Alam namin yung mga issue ng bawat isa. Ooooops! Wag kang kikiligin ha? Yucks! Ayoko nun. >.< 







 


Ang sarap sa feeling no? Pero sa lalaksot na yun? Inaykupo! Sakit sa ulo ang aabutin mo. Tulad ng typikal na relasyon ng isang magkaibigan, nag aaway din kami. Hindi paminsan kundi ARAW ARAW. Pero, dumadaan kami sa stage na isang linggong puro kakornihan at isang linggong tiisan na wala talagang mag tetext. 











Sa panahon ngayon, swertehan nalang kung makakakilala kapa ng isang kaibigang alam mong SAFE ka sa kanya. Hahaha! Wait? Safe nga ba ko sa kanya? Eh pinagsasamantalahan nun ako eh. HAHAHA! ;))
May masama kayag intensyon yun sakin! :D Hindi lahat nabibigyan ng opotunidad na makakilala ng kaibigang totoo. Posible, pero minsan walang kasing tagal bago mo makamtan. Sa kaso ko? Wala din naman akong kasiguraduhan kung hanggang san ba ang meron kami. Marami kaming pangarap. Pangarap na may kanya kanya ng buhay, pero di pa din nawawala yung salitang mag BFF. :'> Kahit pag tanda sana, kaya pa din naming asahan yung isa't isa.








Di kami perpektong mag BFF. Pero sa tingin ko? Masaya kami pareho at kontento sa kung anong meron kami. :D


Nakauwi din. Nakakapagod lang maglakad. -__- Eto na naman ako at magpopost ng walang ka kwenta kwenta. :D Kanina sa Church, Sorry God, but wala na ata akong ginawa kundi humikab. Hehe. Di na mabilang kung tutuusin, buti at nakatagal. ;)) Tas, ayon. Uwian na. Di na kami bumili ng pasalabong ni Mama sa SM. Natripan ko kasi yung HotdogonStick tsaka Banana Que sa tapat ng simbahan. Yuuum! :'> Onga pala, si Bebs at AJ? Ugh! Sorry talaga. Di na nga nag text ii. Bat di Ako nagpunta? Wala lang. Dko na feel eh. D naman ako ganito kapag kasama ko dati si AJ. SOBRANG IBA na talaga. :| Balik na natin yung dating tayo, please? :/ Pft! Dko alam kung may nagbago ba talaga ooh sa isip ko lang may tumatakbo na meron. EWAN! -_________-


Idadaan ko nalang sa nguso ang lahat. Hehe. Palipasin ang lahat ng dapat palipasan. Soon. Magiging OK din. Sa ngayon, magpapakasasa muna ako sa panonood ng DVD, pagkain ng Popcorn at pag inum ng Nestea Fit. HAHAHA. Puro na ko katangahan. Oge na! Bb. ;))))


Martes, Disyembre 20, 2011

Papasok na ang Mabait na Bata. :'>

Hi! ;) Eto naman ako at mangungulit. Hahaha. As usual, wala na naman ako magawa. Palagi naman ii, kaya palaki ako ng palaki. :/ Anyway, ano nga bang nangyari sa maghapon ko? Uhm, pumasok ako at LATE AKO! HAHAHA. Nakipag kulitan, daldalan, Lunch sa SM tas nag klase ng PatientCare, ( Saludo na talaga ako kay Sir, an tyaga nun samin ) tapos Ako? Walang katapusang hinaharot ng malanding si Luistro. Hehe. Tapos, uwian na. 3pm na din, ibig sabihin tag hirap ng jeep, kaya nag dalawang sakay Ako. Hay! Sayang ang 7p ko. >.< Nabadtrip lang din ata sakin si Bebs&Bogs. :/ Dko naman sinasadya. Konti lang. Hehe. Eto.

"The only thing constant in life is change"

~François de la Rochefoucauld


Para kanino? Para samin ni AJ. Totoo naman kasi. Di na talaga kami tulad ng dati. Yung Masayang AJ at Pikuning Aurel. Wala na samin yun. Wala naman akong sinasabi na kung ano pero totoo. Siguro, di nalang talaga namin kayang ii handle pa yung mga attitude namin. ;)) Yung walang bibitaw, kahit di sabihin ngayon meron na. 


Siguro, naapektuhan sya nung sinabi kong di na babalik yung dating kami. :| Ewan! Pero para sakin totoo yun, ayoko na kasing umasa sa isang bagay na wala din naman. Masyado lang sigurong mataas yung naging expectation ko kay AJ kaya ganito kami. Nakakapanibago, OO. Pero atleast ngayon, alam ko na kung saan ako lulugar. 

Ngiti lang, Aurel. :'>

Sige na. Hehe. Ishallreturn! Mamaya na ulit. Sisimba muna ako. Yey! 7th Day. Hehe. May kaagaw na din ako sa Smartbro. :|D



Sabi sanyo eh. Adik ako. HAHAHA! 1.42 am. Litnuk! Di pa din dalawin ng antok. Gnto talaga ko pag napagusto sa isang bagay. Ayaw tantanan! Shiiiiiiiiiz! :// Goodmornight na pala dapat! Uge. =))
Naalala ko lang bigla.
 

Pinost yan ni Mina sa FB ko. HAHAHA! Siguro akala nya may BF na daw talaga ako kahit wala. -__- Sabi ko nalang, kapag MERON na papakilala ko AGAD sa kanila. Hehe. Sa totoo lang, OO gusto ko din naman na mag Boyfriend na. HAHAHA! Ewan, di naman talaga bawal pero wala eh, dko pa siguro time. :/ Oh walang magkamali! =)) Ugh! May mga sumusulpot naman, di din naman ako Choosy, ( Konti lang, di Standards lang talaga! ) HAHAHA! Pero nadala na talaga ko sa Last. Totoo! :| Ayoko pag usapan. JUMP.
Hehe. Di ako Bitter ha? Sila lungs! :P Kwento ko next time. Pinost ko lang talaga yung kay Mina thingy! ;)) 12.40am na kasi. Imma Sleep. May klase pa talaga po ako. Gnyt Blogger. :D 




On this day of your life, Aurel, we believe God wants you to know ... that you have to pass through a dark night of the soul.
Message from God
Everyone does, including you. A time comes when what you have always believed is true melts away underneath you. When you cast in doubt even the most obvious, the most simple. When it seems that dark night is all around, and you are all alone. Take heart, this journey through abyss is the final barrier before your emergence into the heavenly light of a new synthesis of your being. God is waiting for you on the other side


Goodmorning. 12.18 am./ Dec. 21 2011
Hay. Wala na namang magawa. >.< Kahit pa may pasok ako ng 7am. Ba yan. Bakasyon na naman kasi dapat.
Wala lang. Routine ko na yung pag tatanong sa application ng Facebook yung God's wants you to know. Hehe. Ewan ko, pero tumutugma lagi yun sakin. Wla namang kakaibang nangyari ngayong araw na 'to. Bukod sa pag higa ko maghapon, hindi pag attend ng 2ng subject. ( Well, bakasyon na naman kasi ;)) ) At pag pasok ng 4-7 na Major Subject ( May Exam kasi! Ugh! ) at atlast, 6th day of simbang gabi! Late na din kami ni Mama, di sa misa kundi sa upuan. 1hr&30mins tuloy nakatayo. Ang sama pa, may batang SOBRANG LIKOT at INGAY sa harap namin! Ugh. :/// Tas, sa kalagitnaan ng misa, ( sa labas kami naka pwesto ) may dalawang batang kalye na nagsusuntukan haggang sa inawat sila nung isang mama. Hay! Sa totoo lang, nakakaawa sila! :(( Buhay nga naman oh. Kaya ako? Ang laki ng pasasalamat ko. The Best kaya si Mama! :D Tapos, dretcho na kaming SM after mass. Nag Grocery, dun nakita ko ulit si Bee ( My Bestfriend Mae ) kasama yung Baby nya at Asawa nya. Alam ko di madali yung buhay nya dati, pero sa tingin ko nasasanay na din sya na Mommy na nga sya. Ang saya lang. :D

Nakakatuwa lang isipin na ngayon, pwede ko ng ii share yung gusto ko. HAHAHA! Wala sakin kung walang makakapansin nto. Ewan! Basta masaya ako. :))




Danbo&Aurel love's YOU! =))

Lunes, Disyembre 19, 2011

Night 5 of Simbang Gabi: Let us all be prepared. Jesus is coming :)



Napaka sipag kong magsimba. Hehehe. Gusto ko kasing makuha yung one wish. >.<  Pero, nag eenjoy lang talaga at masaya ako. 1st time kong makakatapos pag nagkataon. Lagi pa kaming may bonding ni mama. Hehe. Routine na pagkatapos mag simba, uuli sa SM at bibili ng pasalubong. :D Sana matapos ko. ;))

Danbo&Yotsuba





Dko alam kung bakit, pero inlove na inlove ako sa knila. =))





Kfine. Gumawa lang naman talaga ako ng blog dahil di ako makapasok ng tumblr. HAHAHA! Dko alam kung bakit. :/ Ewan, pero sa tingin ko masaya naman to. HAHAHA! So what? Kung wala akong follower. Basta ibablog ko yung gusto 'ko. Yown! :P Tska, wala talaga akong magawa. Wala pa din ako sa wisyo para matulog. Ba yan! :/ Alam mo din bangg nakagawa na ako ng account sa Google, Youtube at Wattpad. HAHAHA! Wla lang. -__- Sige. Bukas ulit! :D
Ewan! Bored lang talaga ako. Walang magawa, kaya eto naisipan gumawa ng Blog! :/ Oh. Smile tayo. :DD